3×3 basketball tournament pinayagan ng magsagawa ng bubble games
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAKUHA na ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsagawa ng bubble game sa Calamba, Laguna.
Isasagawa ang nasabing President’s Cup sa Oktubre 21 na unang hindi pinayagan noong nakaraang dalawang linggo.
Sinabi ni league owner Ronald Mascariñas, na labis silang nagagalak dahil sa pinayagan na silang magsagawa ng kanilang bubble games.
Lahat aniya sila ay sabik na makapaglaro para sa nasabing bagong season.
Magsisimula ang ensayo sa Oktubre 16-18 habang ang pre-season tournament na binubuo ng 12 teams ay magsisimula sa Oktubre 19.
Bawat lalahok na manlalaro ay sasailalim sa 14-day home quarantine.
-
Kaso ng Dengue sa Bulacan, bumaba ng 20%
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagtala ang Provincial Health Office – Public Health ng 1,395 na mga suspected Dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa 1,734 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon kung saan mga […]
-
‘Casino, karera ng kabayo, sabong, bawal pa rin sa Alert Level 2’
Bagamat marami na ang mga establisyemento at serbisyo ang pinapayagan sa pagluluwag sa Metro Manila at karatig na lugar sa ilalim ng Alert Level 2, may ilang pa rin sa mga ito ang mahigpit pa ring ipinagbabawal. Batay sa panuntunan ng IATF bawal pa rin ang pagbubukas ng mga casino, karera ng kabayo, […]
-
Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018
NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018. Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]