MGCQ sa NCR Plus ‘di pa uubra – DOH
- Published on June 1, 2021
- by @peoplesbalita
Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsabi na hindi opsiyon na ilagay sa Hunyo sa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga lugar na nasa general community quarantine kung saan kabilang ang National Capital Region (NCR) Plus.
Sinabi ni Duque na pag-uusapan pa sa Lunes ang pinal na rekomendasyon bago ihayag sa regular na Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa nasa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na tinatawag na NCR Plus.
Ipinaliwanag ni Duque na ang daily attack rate sa NCR ay nasa pito hanggang walo na mas mataas sa isa hanggang pitong kaso sa bawat 100,000 na populasyon.
Nangangahulugan aniya na patuloy na nagkakaroon ng community transmission.
“Tayo lampas pa ng seven or eight. Ibig sabihin patuloy ang community transmission, ‘di napuputol ang kadena ng hawaan,”ani Duque.
Sabi pa ni Duque, mas nakakatakot na sa ibang lugar kumpara sa NCR na mas mababa ang case load.
“Ang (NCR) mababa ang porsyento ng contribution sa case load, about 16 or 18%. Ang nakakatakot, sa ibang lugar,” ani Duque. (Gene Adsuara)
-
3 TIMBOG SA SHABU AT BARIL SA CALOOCAN
KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., Alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLT Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang […]
-
PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP
ITO ANG hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso. Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor […]
-
PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa. Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na […]