• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din

Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (CO­VID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH).

 

 

Noong Biyernes ay tinurukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo at sa Vietnam SEA Games sa Nobyembre.

 

 

“This is another great news for our national athletes and for all of Philippine sports,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa natanggap niyang balita mula kay Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

 

 

Halos 730 Olympic at SEA Games-bound de­legates ang binigyan ng first dose ng Sinovac noong Biyernes

Other News
  • Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

    IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.   Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.   Binigyang halimbawa pa […]

  • BBM planong gamitin sa buong bansa ang estilo ng agrikultura sa N. Ecija

    IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes.     Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa […]

  • Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal

    BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.     Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]