• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.

 

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.

 

Binigyang halimbawa pa nito na  hindi naman  kailangan na maging embalsamador ang isang manager ng memorial park.

 

Pagbibigay diin ni Sec. Roque, ang mahalaga ngayon ay malinis ang korupsiyon sa PHILHEALTH at naniniwala silang pasok sa kuwalipikasyon si dating NBI Director  Dante Gierran upang pamunuan ang ahensiya.

 

Giit nito si Gierran  ay abugado bukod pa sa CPA  kayat may alam aniya ito kapwa sa financial at  legal aspect.

 

Bukod dito ayon kay Sec. Roque ay hindi kailanman nakaladkad sa anomang kontrobersiya ang pangalan ni Gierran at subok na aniya ang integridad nito.

 

Sa ulat, nagpahayag ng  pagkadismaya ang grupo ng mga empleyado sa PhilHealth sa pagkakatalaga kay Gierran bilang bagong pangulo ng PhilHealth.

 

Ayon   sa lider ng Employees Union ng PhilHealth  na si Fe Francisco, hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang kanilang panawagan na magtalaga ng financial expert na marunong sa PhilHealth.

 

Dapat din aniya  ay may 7 years experienced sa field ng public health at dapat  ay rekumendado ng Board ng PhilHealth base na rin  sa nakasaad sa Universal Health Care Law. (Daris Jose)

Other News
  • Face masks kailangan sa loob ng pribadong sasakyan maliban kung nag-iisa

    Ang driver at mga pasahero sa loob ng pribadong sasakyan kahit na nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan mag-suot ng face masks.     Sa isang magkasamang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH) ay sinabi nilang kung nag-iisa naman ang driver sa loob ng sasakyan ay papayagan siyang alisin ang […]

  • ‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH

    Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya.   Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng […]

  • ‘A4 priority list’ baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA

    Sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng abutin ng isa hanggang dalawang buwan pa ang dapat antayin ng mga nasa A4 priority list bago maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19).     Ang balitang ‘yan ang binanggit ni NEDA Undersecretary Rose Edillon, Lunes, habang tinatalakay ang mga sektor na masasama sa A4 […]