5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni Guevarra na una na siyang bumuo ng task force para imbestigahan ang korupsiyon sa PhilHealth at hindi pa tapos ang imbestigasyon.
”I think within the term ng President may ipapakita tayong resulta sa taumbayan ,” ayon kay Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na naniniwala siya na hindi matatapos ang imbestigasyon kahit matapos pa ang termino ni Panguling Rodrigo Duterte pero tiniyak niya na mababawasan o mapipigilan ang korupsiyon.
Sinabi rin ni Guevarra na walang palalampasin ang imbestigasyon kahit pa miyembro ng Kongreso o executive agency.
”Sama-sama ‘yan because it’s a criminal act, the corrupt act na tinitingnan natin. Kung may ebidensiya ng kanilang involvement, direct o indirect, ay kasama sila,” ani Guevarra.
”I don’t think simply because he has expressed trust in a certain person eh babalewalain niya kung ang ebidensiya na nagpapakita ng involvement ay glaring ,” dagdag pa ni Guevarra.
Nalaman na magsasagawa rin nh lifestyle check ang DOJ at gagamiin ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net worth sa imbestigasyon. (Gene Adsuara)
-
Pinas, nagprotesta laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea
NAGHAIN ng protesta ang Pilipinas laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea. Sa isang tweet, sinabi ng DFA na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya ng mga awtoridad ng Pilipinas na nagsasagawa ng “legitimate, customary, and routine patrols sa “territory and maritime […]
-
PVL schedule inilabas na
INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila. Sa opening day, unang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Conference champion […]
-
MMDA nilunsad ang P300 M na command center
NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes. […]