Pfizer vaccines na mula sa Covax facility, hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa Covax facility.
Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng Covax facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na ito na mula sa Covax.
Aniya, ang Pfizer na na hindi manggagaling sa Covax facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare workers, senior citizens at may mga comorbidities na kabilang sa targeted population.
Subalit, ang mga manggagaling naman COVAX facility ay talagang ibibigay sa mga indigent population sa ilalim ng A5 Category group at hindi ito maaaring ibigay sa mga hindi naman maituturing na mga indigenous People.
Sinabi nito na ang mga nasa A4 Category naman ani Galvez, ang ibibigay sa mga ito ay iyong mga procured vaccines gaya ng Moderna, Sinovac, Gamaleya at kalaunan ay ang AstraZeneca na Inangkat ng private sectors na nakatakda na ring dumating sa bansa.
Samantala, sigurado nang makukuha ng bansa ang inaasam asam na population protection sa sandaling matapos na ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2 at A3 category.
Tinatayang nasa 19 hanggang 25 milyon ang kabilang sa mga nabanggit na priority group.
Sa ngayon ay naka-93 percent nang pagbabakuna sa hanay ng A1 group o ang mga health workers.
Sinasabing nasa 9.8 million ang mga senior citizen o ang mga nasa A2 group ay nasa 1.3 million pa lang ang nababakunahan kaya’t nagbabahay – bahay na ang ilang LGU o di kayay sinusundo na ang mga senior papunta sa vaccination site.
Mula naman sa 5 million target population ng mga nasa A3 group o ang mga may commorbidities ay nasa 1.17 million na ang nabakunahan na inaasahang tataas pa sa pagdating ng mas marami pang bakuna. (Daris Jose)
-
ANGEL, pinaliwanag na ‘di ganun kadali ang pinagdaraanang journey para pumayat; looking forward sa kanyang maa-achieve
MAY mahabang paliwanag si Angel Locsin tungkol sa huling post na nag-viral dahil sa mga photos na ibinahagi na parang bigla-bigla siyang pumayat. Nagtalo-talo tuloy ang netizens, kung edited ba ang kanyang pinost at may nagsabi na nasa tamang anggulo lang ‘yun. Pero totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat […]
-
Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas
Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto. Sinabi pa ni Uichico na hindi ito […]
-
Balitang nagkaayos na rin sila ni LJ: PAOLO, ayaw pang sabihin na ‘officially’ sila na ni YEN
KAHIT nag-post siya ng litrato ni Yen Santos nong birthday nito at nanalong Best Actress sa URIAN, hindi raw iyon nangangahulugan na Instagram official na sila, ayon kay Paolo Contis. “Wala, walang official na ano, wala na akong inaanong official, what you see is what you get,” ang diretsong pahayag sa amin ni […]