PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.
Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, inamiyendahan ni Pangulong Duterte ang AO 26 “which only granted hazard pay to government workers required to physically report on site for their job during the ECQ period.”
Sa ilalim ng ECQ, tanging ang essential trips at operations ng essential businesses at services ang pinapayagan.
Sa ilalim naman ng MECQ, pinapayagan ang essential trips at dina- downscaled naman ang operasyon ng non-essential business at services.
Nakasaad naman sa AO 43, ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay manggagaling mula sa 2021 local government funds.
Ang Hazard pay para sa government-owned and controlled corporations, sa kabilang dako ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa taong 2021.
“If their respective funds are insufficient, the LGUs and GOCCs are allowed to reduce the ideal amount of P500 per day but it will remain mandated to grant a uniform amount of hazard pay for all qualified personnel, including those under contractual and job order status,” ayon sa AO.
Samantala, ang National Capital Region (NCR) Plus area, itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa ay nasa ilalim ng MECQ mula April 12 hanggang May 14.
Ang NCR Plus area ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ang City of Santiago sa Isabela, Zamboanga City, Quirino, at Ifugao, ay mananatili naman sa ilalim ng MECQ hanggang Mayo 31. (Daris Jose)
-
4 drug suspect timbog sa buy bust sa Valenzuela
ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapo ng umaga. Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng […]
-
Napagkuwentuhan din nila ni Iñigo: RURU, natuwa na alam ni PIOLO na inaanak siya sa binyag
KAHIT kami ay nagulat nang malaman namin na ninong pala ni Ruru Madrid sa binyag si… Piolo Pascual! Sa mga hindi nakakaalam, dating modelo ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, na noong kabataan ay napakaguwapo ring tulad ni Ruru. At nagkataon na matalik na magkaibigan sina Bong at Piolo […]
-
‘Social media giant’ na Facebook at iba pang sites gaya ng Instagram pansamantalang hindi ma-access
Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media services na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4. Base sa outage tracker na Downdetector na bukod sa Pilipinas ay nakaranas ang outages sa Washington at Paris. Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa […]