• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off

Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.

 

Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang kaniyang baril bilang depensa.

 

 

Maaari lamang aniya ito para sa mga short firearms na inisyu ng PNP sa mga Pulis habang ang mga mahahabang armas ay tama lamang na iniiwan sa opisina.

 

 

Pero ipinunto ni PNP Chief, kailangang nasa tamang pag-iisip ang Pulis sa pagbibitbit ng kaniyang baril dahil kaakibat nito ang napakalaking pananagutan kaya’t ito aniya ang kanilang tinututukang ayusin sa ngayon.

 

 

May mga nanawagan kasi na hindi na magbitbit ng armas ang mga pulis kapag sila ay off duty para maiwasan na magamit ito sa krimen gaya ng nangyari sa pulis na bumaril patay sa isang Ginang sa QC.

Other News
  • Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH

    PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa […]

  • Eala may parangal sa PSA

    KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala.   Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Ipinagkakaloob ang parangal […]

  • Scola ambassador ng 2023 FIBA WC

    PINANGALANAN  si Argentina hero Luis Scola bilang Global Ambassador ng FIBA Basketball World Cup 2023 na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.     Bilang ambassador, pangungunahan ni Scola ang pagpo-promote sa FIBA World Cup kabilang na ang draw ceremony na idaraos sa susunod na taon.     Si Scola ang second all-time top scorer […]