Eala may parangal sa PSA
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala.
Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ipinagkakaloob ang parangal sa mga atletang may 17-taon at pababa na sinunod kay dating Manila Standard sports editor Antonio ‘Tony’ Siddayao na kinokonsiderang Dean ng Philippine sportswriting.
Naging malaking puntos sa tennis career ni Eala ang pagsungkit ng Top 10 world junior ranking bago matapos ang 2019, kaya kinonsidera itong Pinoy na atletang may malaking ambag sa Pilipinas.
Sinundan pa niya ito ng titulong grand slam matapos manalo sa Australian Open girls doubles tournament kasama ang partner na si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia nitong Enero 2020.
Kabilang din sa karangalan sina swimmers Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula, bowlers Dale Lazo at Jordan Dinam, karateka Juan Miguel Sebastian, chess Woman FIDE Master Antonella Racasa, powerlifter Jessa Mae Tabuan at nakakatandang kuya ni Alexandra na si Michael Eala.
Nakatanggap na rin dati ng katulad na parangal sina chess Grandmaster Wesley So, Eumie Kiefer Ravena, Felix Marcial, Jeron Teng, Markie Alcala, Pauline del Rosario, Aby Arevale, at Maurice Sacho Ilustre sa taunang pagtitipon ng mga sportswriter na pangungunahan ni Manila Bulletin Sports Editor Eriberto S. Talao Jr. at mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine. (REC)
-
ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH
NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa. Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance […]
-
Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na
Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier. Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila. Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10. Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan […]
-
Habang naghihintay sila ng kidney donor: YASMIEN, biglang bumili ng bahay para malapit sa maysakit na ina
SABI namin kay Yasmien Kurdi, siguradong pakikinggan ng Diyos ang dasal niya at ibi-bless siya dahil mabuti siyang anak, asawa at magulang. Sa ngayon kasi, naghihintay raw sila para sa magiging donor ng kidney ng kanyang ina at para makapag-undergo ito ng transplant. Kuwento rin ni Yasmien, matagal na raw niyang […]