• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Melanie Griffith, may asim pa sa edad na 63 sa suot ng pink lingerie

KINASAL na ba sina Lovely Abella at ang kanyang fiance na si Benj Manalo?

 

Sa recent guesting nila Lovely at Benj sa programang Tunay na Buhay, may mga pagbabago na raw sa wedding plans nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Na-engage ang dalawa noong June 2019. Original plan nilang magpakasal sa January 2021. Pero dahil sa mga nagaganap sa mundo ngayon, nag-decide silang agahan ang pagpapakasal.

 

Ayon kay Lovely, nakaplano na ang civil wedding nila ni Benj ngayong October.

 

“Nung dahil din po sa experience ko po doon sa aking COVID journey, ‘yun po ‘yung na-realize ko, at saka siya (Benj) po ‘yung nagsabi na, ‘Tara, babe. Magpakasal na tayo, kahit civil lang.’ Kaya baka po this October po namin itutuloy,” sey ni Lovely.

 

Five years na nagsama ang dalawa bago sila na-engage.

 

“Siya yung naging balancing factor ng pagiging seryoso ko. Parang simula nang makilala ko siya I’ve been in the happiest ever sa buhay ko. So, knowing that I’m just really thankful and hindi ko siya kayang mawala sa’kin,” sey ni Benj.

 

Si Benj pala ay isa sa mga anak ng Eat Bulaga Dabarkads na si Jose Manalo. Noon pa man ay daddy na ang tawag ni Lovely kay Jose.

 

*****

 

NAG-POST ng throwback photo ang aktres na si Teresa Loyzaga sa kanyang Instagram noong nagtatrabaho pa siya bilang flight attendant.

 

“FA Life….and no matter how far or how wide I roam #flightieslife #throwback.”

 

Nagtrabaho bilang FA si Teresa for 14 years. Ito ay noong panahon na iniwan niya ang kanyang showbiz career at nag- migrate sa Australia noong taong 2000.

 

Dahil may dalawang anak na siya noon, nagtrabaho si Teresa sa Australia bilang call center agent at naging bank employee din siya hanggang sa makapasa siya bilang FA sa Qantas Airlines.

 

Bumalik sa pag-arte si Teresa after 17 years. Noong bumalik siya sa Pilipinas, gumawa siya ng mga teleserye sa ABS-CBN 2 at GMA-7. Huli siyang napanood sa I Can See You: High Rise Lovers.

 

*****

 

SA edad na 63, may asim pa rin ang Hollywood actress na si Melanie Griffith at pinagmalaki niya ang kanyang sexy body sa pagsuot ng pink lingerie in honor of Breast Cancer Awareness Month.

 

Tila mas sexy pa raw si Melanie kesa sa anak nito na nagbida sa 50 Shades of Gray film trilogy na si Dakota Johnson.

 

Suot ni Melanie ang Kit Un- dergarments na kabilang sa campaign for Breast Cancer Awareness na may hashtag na #kitstokickcancer.

 

Designed ang Kit Undergarments nila Jamie Mizrahi and Simone Harouche na magdo-donate ng 5% sa kanilang sales to the Women’s Cancer Research Fund. May additional $1 naman na donation sa bawat babae na bibili at ipo-post sa social media na suot nila ang undergarment with the hashtag at ita-tag sila sa @kitundergarments.

 

Bukod kay Melanie, nag-post din in their Kit Undergarments to raise funds sina Kate Hudson, January Jones, Zoe Saldana at marami pang iba. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MARTIN, nag-shine at hinangaan agad sa sneak-peek ng ‘Voltes V: Legacy’; goodluck na lang sa ‘Darna’ ni JANE kung itatapat

    SA Instagram post ng GMA Network sa unang araw ng Enero, inilabas na sneak-peek ng inaabangang Voltes V Legacy na paparating na ngayong 2022.     May caption ito na, “We proudly bring you an EXCLUSIVE sneak-peek of what @voltesvlegacy has been working on for the past few years!   “Join us and “V” together for one […]

  • Three years din silang hindi nakapag-imbita: YASMIEN, excited nang nagpa-sneak peek sa pinare-renovate na house

    SINABI ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na ang Kapuso star na gusto niyang makatrabaho ngayong bahagi na rin siya ng GMA Network ay walang iba kundi si Rabiya Mateo.       “I would still say Rabiya (Mateo). Rabiya was one of the first people I ever talked about GMA ‘cause she’s part […]

  • DICT, nagbabala ng posibleng pagtaas ng “deepfakes” lalo pa’t nalalapit na ang 2025 elections

    MULI  namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.     Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang […]