• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER

Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa.

 

 

Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng no-contact apprehension ng mga traffic violators. Iwas ang komprontasyon ng motorista at traffic enforcer.

 

 

Bawas kotong at sa panahon ngayon ay mas maiiwasan ang physical contact at face-to-face. Kung may no contact cctv sa lugar sa pinangyarihan ay huli si ate ng camera. Yun nga lang matagal pa bago malaman ng sinasabing boyfriend niya na syang mayari ng sasakyan ang violation at baka siya pa ang magbayad ng multa.

 

 

Sa ngayon ay tatlong LGU pa lamang at ang MMDA ang nagpapatupad ng no-contact apprehension kaya lang ay iba-iba ang halaga ng multa at ang proseso. Kaya sa amin sa Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP), bagama’t suportado namin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension ng mga traffic violators kailangan ay may due process mechanism upang makasiguro na ang mismong driver na syang violator ang mapagmulta.

 

 

Tulad ni ate sa viral video, kung sa no-contact ang huli niya hindi siya naparusahan sa driving without license at malamang hindi lumabas ang pangalan niya dahil ang registered owner ang magmumulta. Sa ngayon ay ito ang iniiyak ng maraming operators ng public transport.

 

 

Daan-daan libong piso ang kanilang binabayarang multa dahil sa mga violations ng kanilang mga drivers.  Dapat sana ay sa pagpapatupad ng no-contact apprehension ay madisiplina ang mga pasaway na drivers.

 

 

Pero mukhang nalulusutan nila ang butas sa implementasyong ng polisiyang ito. Alam din natin ang nais din ng mga LGU na huwag mabalewala ang pagbabayad ng multa ng mga violators kayat inaalarma nila ang mga sasakyan sa LTO.  Pero hindi ang sasakyan ang violator kundi ang driver. Ang lisensya dapat ng driver ang mai-alarma sa LTO.

 

 

Kailangan mabalanse ang lahat ng panig sa pagsasabatas ng isang no-contact apprehension ng mga traffic violations upang maging matagumpay ito hindi lamang sa perang maaring kitain sa mga multa kundi pati sa mas mahalagang layunin na mapanatili ang disiplina sa ating mga lansangan at maparusahan ang mga pasaway ng drivers.

 

 

Para sa ganun ay napapatupad ang mga batas trapiko ng patas at nasusunod ang mga ito kahit wala ang mga enforcers na tagahuli. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte

    INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.   Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng  “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon  sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   […]

  • Fernando, nag-inspeksyon sa iligal na quarry operation sa bayan ng Santa Maria

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Degala at Police Major June Tabigo-on ng Philippine National Police sa illegal quarrying operation sa Sitio Alimasag, Brgy.Camangyanan, Santa Maria, Bulacan kaninang umaga.     Sa isang operasyon na pinangunahan ng […]

  • LeBron, muli na namang nagtala ng record nang magbuhos ng 50-pts sa panalo ng Lakers vs Wizards

    MULI NA namang binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang tambakan ang Washington Wizards, 122-109.     Ito ay matapos na magtala ng 50 points ang 37-anyos na si James para sa kanyang ika-15 beses na career points.     Sinasabing si LeBron ang itinuturing na “oldest player” na merong multiple […]