• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte

INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng  “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon  sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

“She is entitled to her opinion. Of course as the leader of the opposition, we don’t expect anything positive about this administration from her. We’ve accepted that. I think people have accepted that,” presidential spokesperson Harry Roque.

 

Maaari aniyang sabihin ni Robredo ang lahat ng negatibo tungkol sa administrasyon basta ang importante  aniya ay suporta sa sambayanan ang Pangulo.

 

“She can say all the negative things about the administration but [the] people still support the President,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, iginiit ni Robredo na may karapatan siyang maging kritiko ng gobyerno.

 

Dagdag pa nito na marami siyang nakikitang kakulangan sa tagal ng pagsasailalim sa lockdown.

 

Aniya pa, ang pagsibak kay  Health Secretary Francisco Duque III mula sa puwesto ay hindi naman makapagbabago  sa kahit na  anuman kung ang sistema  na tinawag niyang bigo ay mananatili.

 

Ani Robredo na gagamitin niya ang posisyon niya bilang bise-presidente upang maging boses ng madla. (Daris Jose)

Other News
  • Tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas, hamon ng KMP

    HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas.     Nangangamba ang KMP na baka kasama ito sa mga mga “imposibleng pangako” ni Marcos Jr kaya dapat ihayag ng presumptive president kung paano niya ito gagawin at ano ang malinaw […]

  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]

  • Tinalakay ang karagdagang tulong para sa mga Bulakenyo, Kalihim ng DSWD, nakipagpulong kay Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakipagpulong si Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development kay Gobernador Daniel R. Fernando umaga ng Sabado sa DSWD Office sa Quezon City upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya at iba pang tulong na maaaring ipagkaloob upang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan.     […]