• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, siniguro sa mga Pinoy seafarers na makababalik sa kanilang trabaho matapos na tamaan at makarekober sa COVID- 19

INALIS ng gobyerno ang pangamba ng mga Pinoy seafarers na baka hindi na sila tanggapin pa ng kanilang employer makaraang kapitan ng corona virus at nakarekober.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na hindi problema ang employment opportunity para sa mga kababayan nating seaman.

 

Ayon naman kay Sec.Bello, napakataas ng upskilling level at employability ng mga Filipino seafarers at hinahabol habol aniya ito ng mga employers.

 

“Ay, hindi po! Hindi po. Not to a least from my experience, ang ating mga OFWs, iyong mga seafarers natin kagaya ng sinabi ko, hinahabol. Hinahabol iyong ating mga seafarers just like iyong mga nurses natin, naku hinahabol. May pending request from the Germany, 15,000 nurses. Ganoon karami ang ano… how preferred our nurses and our seafarers. Don’t worry, Melo, iyong ating mga seafarers iyong kanilang employability at saka iyong kanilang upskilling level napakataas kaya hindi problema iyong kanilang employment opportunity,” lahad nito.

 

Giit nito, wala aniya itong pinag- iba sa mga Pinoy nurse na sa katunayan ay in demand din gaya na lamang sa Germany na ang kailangan ay nasa 15 libo.

 

Dahilan upang walang dapat na ipag- alala ang mga Pilipinong magdaragat gayung most preferred seafarers in the world aniya ang Pinoy seamen. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, lumipad na patungong Indonesia para dumalo sa ASEAN Summit

    UMALIS kahapon, May 9 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. papuntang  Labuan Bajo sa Indonesia para magpartisipa sa 42nd ASEAN Summit.     Ayon sa  Department of Foreign Affairs, inaasahan na igigiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapakita ng sentralidad ng ASEAN  sa rehiyon sa gitna ng  geopolitical rivalries.     “The President will also […]

  • KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19

    NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19.   Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng […]

  • Most awarded female artist ng BBMAs: TAYLOR SWIFT, naghakot ng nominations sa ‘2023 Billboard Music Awards’

    NAGHAKOT ng nominations in 20 categories si Taylor Swift sa 2023 Billboard Music Awards (BBMAs).       Magaganap ito on November 19 sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.     Si Taylor ang most awarded female artist ng BBMAs with 29 wins. Kung mahakot niya ang lahat ng awards, matatalo na niya […]