• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilya Dacera, kinontra ang medico-legal report

Kinontra ng ina ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera ang ikalawang report ng medico legal ng PNP na nagsabing walang naganap na homicide kundi natural death ang nangyari dito.

 

 

Ayon kay Sharon Dacera na hindi sila nagbigay ng permiso kay Lt. Col. Joseph Palermo ng PNP Crime Lab na kumuha ng anumang bahagi sa organs ng kanyang anak.

 

 

Ito rin ang sinabi ni Atty. Roger “Brick” Reyes, tagapagsalita ng pamilya Dacera na nagsabing isang “total misrepresentation” ang pahayag ni Palermo lalo pa nga’t inilabas ito isang araw matapos ilibing si Christine.

 

 

“Ang mga labi ni Christine ay nasa  General Santos City na noong Enero 7, inilibing siya ng Jan.10 at ang report ay Jan. 11, samakatuwid hindi ito autopsy report”, pahayag pa ni Reyes.

 

 

Hindi umano ito maikokonsidera na  autopsy report  dahil hindi naman nagsagawa ng autopsy si Palermo sa mga labi ni Christine. Isa lang umano itong eksaminasyon sa ­ilang bahagi ng organs ni Christine.

 

 

Pinuna rin ni Reyes ang report ni Palermo na isang ‘opinionated’.

 

 

Mas makakabuti umanong hintayin ang resulta ng isinagawang autopsy ng NBI.

 

 

Ayon naman sa kampo ng mga inaakusahan, hindi umano opinyon lang ang lumabas na report ng medico legal.”Mga professional ‘yan, hindi sila maglalabas ng report na walang basehan o opinyon lamang, scientific finding ‘yan ng doktor”, pahayag naman ni Atty, Mike Santiago sa panig ng mga inaakusahan.

 

 

Samantala, pakiusap naman ng mga respondents sa ina ni Dacera: ‘Sana ma-realize niyang may 11 ding inang nasasaktan’

 

 

Paliwanag nito, ang medico legal report ay base sa otopsiya na isinagawa sa katawan ni Dacera.

 

 

Hindi raw haka-haka o opinyon lang ang lumabas na resulta dahil bunga ito ng scientific findings ng mga doktor.

 

 

Sinabi rin ni Santiago na ayaw nilang makialam sa findings ng investigating prosecutors dahil tiwala raw ang mga itong susuriin nang maayos ng mga prosecutors ang mga ebidensiya para magkaroon ng patas na resolusyon.

 

 

Dahil dito, hiling ng respondent na si Greg de Guzman na irespeto ang resulta ng medico legal dahil nakipaglaban din umano ang mga ito para lamang mapanatag ang ina ni Christine na si Sharon.

 

 

Umaasa si de Guzman na ma-realize ng ina ni Christine na hindi lamang siya ang nasasaktan dahil 11 ring ina sa ngayon ang nasasaktan at 11 katao ang naiipit dahil sa insidente. (Daris Jose)

Other News
  • Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis

    MAHIGIT  53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20.     Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan […]

  • 6 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

    ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang nalambat matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City.   Ayon kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, dakong 7:10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) […]

  • Sibuyas, nangungunang smuggled product sa Pilipinas – PNP

    INIHAYAG ng PNP na sa kabila ng iba’t-ibang mga pekeng produkto, ang pinakamaraming smuggled products na naitala sa Pilipinas ay produkto ng mga sibuyas.     Iniulat ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na P137.6 milyong halaga ng sibuyas ang naipuslit sa bansa mula noong 2019.     Aniya, mula Enero 2019 hanggang Abril […]