VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade.
Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference.
Pumayag naman ang alkalde at sinabing bukas sila sa pagsasagawa ng parade basta pag-ibayuhin lang ang pag-iingat para hindi kumalat ang coronavirus.
Matatandaang kinansela ng Lakers at Dodgers ang kanilang championship parade dahil sa matinding banta ng COVID-19 kaya nagdesisyon noon ang dalawang koponan na isagawa na lamang ang parada kapag normal na ang lahat at wala na ang banta ng pandemic.
-
Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers
HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang deployment ban sa health workers, Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang medical workers na may kontrata na nilagdaan “as […]
-
Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon
INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2. Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]
-
‘Di pa rin tinatantanan ng mga bashers: AGOT, sinabihan na alisin na ang galit sa puso
HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro. Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping. Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha […]