• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics

Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.

 

 

Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round.

 

 

Natikman ni LeBron ang kanyang unang pagkatalo sa first-round series sa kanyang 18-year NBA career.

 

 

Samantala ang Olympiyada ay magsisimula na sa July 23.

 

 

Gayunman sa kabila nito ang USA Basketball roster ay hindi pa rin pinapangalanan lalo na at posibleng umabot pa ng hanggang July 22 ang NBA Finals.

 

 

Si LeBron ay una nang naging bahagi ng kampeon na Team USA noong 2012 at 2008 sa Olympics pero ang Amerika ay nagkasya lamang sa 2004.

 

 

Sa kabilang dako habang maagang nagbakasyon ang Lakers, pagtutuunan daw muna ni LeBron ang promosyon ng kanyang pelikula na “Space Jam 2.”

Other News
  • PAOLO, matapang na tinanggap ang hamon ng nudity at frontal exposure sa launching movie na ‘Lockdown’

    NAG–TRENDING sa Twitter ang trailer ng Revirginized, ang upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta, under the direction of Darryl Yap.     Lumabas ang trailer last Sunday and for sure, marami ang na-curious dito kaya nag-trending. Nang unang lumabas ang balita na may gagawin movie si Sharon with Daryl Yap ay marami ang nagulat, especially […]

  • Ayuda ng PCSO pinatitigil na

    REREBYUHIN ng Kamara ang ilang bilyong mandatory contributions na binibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga ahensya ng pamahalaan na nagiging dahilan upang maubos ang pondo nito at hindi na mapaglaanan ang para sa medical assistance.   Ang aksyon ng Kamara ay resulta ng naganap na pagdinig kahapon ng House Committee on Games […]

  • Diaz PSA Athlete of the Year uli

    WALA nang iba pang dapat gawaran ng 2021 Athlete of the Year award kundi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.     Igagawad kay Diaz ang nasabing para-ngal sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Marso 14 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.     Binuhat ng Pinay weightlifter ang […]