• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National athletes na sasabak sa Tokyo Olympics at SEA Games, magsisimula na sa bubble training

Magsisimula na sa buwan ng Hulyo ang bubble training ng mga national athletes ng bansa bilang paghahanda sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

 

 

Sa naging panayam, sinabi ni Dr. Philip Ella Juico, president ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na sa July 15, 2021 magsisimula na ang pagsasanay ng mga atleta ng bansa sa Baguio City.

 

 

Aniya, nasa 40 atleta at 10 coaches ang magtutungo sa Baguio City na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Magtatapos naman ang kanilang pagsasanay sa huling linggo ng Oktubre.

 

 

Umaasa naman sila na maibibigay ang suporta sa mga atleta mula sa Philippine Sports Commission.

 

 

Ayon sa kanya, maraming pinaghahandaan ang mga atleta ng bansa kabilang na ang Tokyo Olympics at Southeast Asian Games kaya tuluy-tuloy ang kanilang pag-eensayo kahit sila ay nasa kani-kanilang lugar.

 

 

Umaasa naman ang PATAFA na kahit walang naging competition ang mga national athletes ng bansa ay ibibigay pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapanalunan ang kanilang mga laro.

Other News
  • KRIS, kinumpirmang naghiwalay na sila ni MEL matapos ma-engage last year; humihingi ng respect and privacy

    NOONG Lunes, January 3, kinumpirma ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila former Interior Secretary Mel Sarmiento matapos na sila’y ma-engage last October, 2021.     Sabi niya, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag–usapan pa ang kanyang paghihiwalay?     “But in order for me to be able to peacefully move on, and […]

  • Jiu Jitsu champion sa Brazil na si Leandro Lo patay matapos barilin

    PATAY matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo.     Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude.     Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas […]

  • Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika

    WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds  bilang  “seed fund” para sa  panukalang  Maharlika Investment Fund (MIF).     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.”   […]