Bus vs ambulansya: 8 sugatan
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa walong katao ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang bus at ambulansya sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na kinabibilangan ng driver ng bus na nakilalang si Alber Lappay, 38, ang kanyang konduktor at anim na mga pasahero, na pawang isinugod sa Mandaluyong Medical Center upang malapatan ng lunas.
Nabatid na isa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon matapos na tumilapon palabas ng bus dahil sa lakas ng impact nang pagkakabangga habang naipit naman sa manibela ang driver ng bus.
Wala naman umanong laman ang ambulansiya nang mangyari ang aksidente bago mag-alas-8:00 ng gabi sa EDSA Shaw tunnel sa Mandaluyong City.
Ayon kay Bong Nebrija, hepe ng EDSA special traffic and transport zone division ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa regular lane ang ambulansya ng First Cabuyao Hospital, na may plakang DAL-4329, at minamaneho ni Jonil Pepito, 24, ngunit bigla itong pumasok sa bus lane, sanhi upang mabangga ang paparating naman na EDSA Carousel bus, na isang Jell Transit Bus (CS-U1L885), may sakay na at minamaneho naman ni Lappa.
Nasalpok ng bus ang ambulansiya at tumaob, habang tumagilid naman ang bus sa kalye bago tuluyang tumama sa isang poste ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa center island ng EDSA tunnel, kaya’t nawasak ang bahagi ng center island.
“Kritikal sa kanila ‘yung pasahero na … well, apparently nung pagka-hit, eh tumilapon sa labas. Inabutan namin po siya sa kalsada,” ani Nebrija.
Nilinaw naman ni Nebrija na maaari namang gamitin ng ambulansiya ang bus way, ngunit priority pa rin dito ang mga bus.
“Eh, lalu-lalo na itong ambulansyang ito, wala namang laman. Ang kine-claim niya may pi-pickapin siyang pasyente. I do not know what’s the level of emergency nung pipickupin niya,” dagdag pa ng MMDA official. Nabatid na wala namang CCTV camera sa bahaging iyon ng EDSA dahil katatanggal lang daw ng MMDA para sa maintenance.
Kinailangan ding isarado ang tunnel para sa clearing operations. (Gene Adsuara)
-
DOH: ‘Karamihan ng namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, edad 60-69’
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagbago ang demographics o populasyon ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa. Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat tungkol sa ilang kaso ng COVID-19 deaths sa mga kabataan. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa hanay pa rin ng matatanda at […]
-
Ads August 26, 2021
-
Tsina, walang karapatan na magpatupad ng ‘fishing regulations’ sa WPS —NSC exec
SINABI ng National Security Council (NSC) na malayang magagawa ng mga mangingisda sa Palawan ang kanilang fishing activities sa West Philippine Sea (WPS) dahil walang karapatan ang Tsina na magpatupad ng kahit na anumang regulasyon sa pinagtatalunang katubigan. Sinabi ni NSC assistant director general Jonathan Malaya na nakipagpulong ang ahensiya sa 170 […]