• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha

KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics.

 

Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics.

 

“Eumir hits really hard. He’s a very slick southpaw,” ani Roach.

 

“He’s a pleasure to train. He has a good work ethic, he works his tail off and he soaks in everything he is taught.”

 

Matatandaang naibulsa ni Marcial ang silver medal sa 2019 AIBA world boxing championship at naging three-time gold medalist sa Southeast Asian Games.

 

Kamakailan ay sumakabilang buhay ang kapatid ni Marcial pero mas pinili nitong manatili sa US upang ipagpatuloy ang kanyang training na tinawag ni Roach na isang dedikasyon ng isang Pinoy sa larangan ng boksing.

 

“Just a few days into camp, his brother passed away and he decided to stay in camp instead of going back to the Philippines for the funeral,” ani Roach.

 

“I know he was hurting inside but that showed me his dedication to being the best. He wants to bring back Olympic gold and a world title belt back to the Philippines. He loves his country so much. He’s a gem,” dagdag pa ni Roach.

Other News
  • Cone, ‘excited’ na makita ang pagbabalik sa Gin Kings ng ‘nagbagong’ si Slaughter

    Ikinatuwa ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang pasya ni big man Greg Slaughter na magpakumbaba at buksang muli ang linya ng komunikasyon sa pagitan nila ng pamunuan ng koponan.   Ayon kay Cone, umaasa ito na ang paghingi ng paumanhin ni Slaughter sa liderato ng franchise ay magbibigay-daan para sa mas pinagandang ugnayan sa […]

  • Quezon City tinanghal na Most Competitive LGU

    SA IKATLONG pagkakataon, itinanghal ang Quezon City government na ‘Most Competitive Local Government Unit’ sa ilalim ng Highly Urbanized Cities category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).     Taong 2020 nang maging Hall of Famer ang lungsod sa naturang parangal.     Nabatid na anim na parangal ang hinakot ng Quezon City go­vernment […]

  • P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara

    Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.     Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda […]