Dating import ng Aces at Beermen Galen Young patay sa aksidente
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis.
Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis.
Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009.
Labis na nalungkot si Aces coach Jeff Cariaso dahil sa pagkawala ni Young na naging import ng koponan mula 2004 at 2004 habang sa Beermen naman ay noong 2007.
Nagsimulang maglaro si Young sa University of North Carolina at Charlotte sa college at na-draft sa second round ng Milwaukee Bucks noong 1999 subalit hindi ito nakapaglaro sa NBA.
-
Tiniyak ng DA: walang pagtaas o paggalaw sa presyo ng gulay sa NCR dahil kay bagyong Florita
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagsirit sa presyo ng gulay sa Kalakhang Maynila sa kabila ng matinding epekto ng Severe Tropical Storm Florita. Ang katuwiran ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, patuloy silang nagsasagawa ng assessment upang ma-identify ang halaga ng pinsala sa agrikultura at maging i-monitor ang suplay […]
-
Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na
BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff ng mga regional trial courts (RTCs) sa Pilipinas. Inihayag ito ni Mr. Nelson Santos, Presidente ng PAPI nitong Sabado, Mayo 5, matapos na pagtibayin ang isang resolusyon ng samahan na ilunsad ang pagpili sa natatanging RTC Sherrif […]
-
7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH NASAGIP NG COAST GUARD
PITONG pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas sa karagatang sakop ng Zabala Reef , Barangay Caramay, Palawan Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya nagsagawa ng the […]