• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte kay Sara: ‘Wag tumakbong president

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa.

 

 

Sinabi ni Duterte na ayaw niyang insultuhin ang mga mamamayang Filipino pero wala namang nakukuha sa pagiging presidente maliban sa “sense of fulfillment.”

 

 

“Aside from that, it’s an empty — puro ka na lang trabaho diyan. Now, unless magtakbo ka ng presidente tapos mangurakot ka, ah you will become a billionaire or millionaire whichever you want. Pero is that the life that you want? Kung sobra-sobra ang pera, anuhin mo man ‘yan,” wika ng Pangulo sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy kamakalawa ng gabi.

 

 

Sinabi rin ni Duterte na maaawa siya sa anak sakaling manalo ito dahil ang suweldo ng Pangulo ay nasa P200,000 lamang isang buwan.

 

 

Bukod aniya sa hindi naman P1 milyon ang sahod ng Pangulo, puro batikos pa ang inaabot at “bababuyin” pa umano ng mga katulad ni dating senador Antonio Trillanes IV at mga tagasunod ng mga gusto ring maging pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di nila pipigilan ni Vic kung ‘yun ang gusto ng anak: PAULEEN, magiging stage mother ‘pag tuluyan nang nag-artista si TALI

    SA presscon ng show nila sa NET25 na Love, Bosleng and Tali ay winika ni Bossing Vic Sotto na dapat daw siya lang ang kasama sa show nang pag-usapan nila ito ni Direk Chris Martinez.     Na-delay lang daw ang pagsisimula nito dahil sa pandemic pero nung mag-usap ni Direk Chris ay isama na […]

  • Thankful sa naging suporta ng taga-Cabanatuan: BEAVER, pinakilig nang labis si MUTYA pati na rin si MAXINE

    SUPER successful ang ginanap na red carpet premiere ng ‘When Magic Hurts’ na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad at Mutya Orquia sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City.       Maaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao para manood ng pelikula na may 3 pm screening sa three cinemas, bukod sa celebrity […]

  • Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

    KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto.   Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso Viñalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina.   Natuklasan sa […]