• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto.

 

Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso Viñalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina.

 

Natuklasan sa cellphone ni Miranda ang ilang mga larawan kung saan makikita na katabi niya ang mga babaeng preso habang nakahiga.

 

Nakita rin sa isang larawan na suot ng isang babaeng preso ang uniporme ng hepe.

Other News
  • Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na

    SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months.     Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na […]

  • SSS calamity assistance sa ‘Paeng’ victims, binuksan na

    BINUKSAN na kahapon ng Social Security System (SSS) ang aplikasyon para sa calamity assistance ng mga miyembro at pensioners nito na nasalanta ng bagyong Paeng.     Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino, ang SSS Calamity Assistance Package ay kabibilangan ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]

  • 19th Grand Slam: Djokovic nagkampeon sa French Open matapos talunin si Tsitsipas

    Nagkampeon sa French Open tennis si Novak Djokovic.     Ito ay matapos na talunin niya si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa score na 6-7 (6/8), 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 at makuha nito ang ika-19th Grand Slam sa loob ng apat na oras at 11-minutong laro.     Ang 34-anyos na Serbian player ay unang […]