Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis
- Published on June 11, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.
May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo.
“Marami na kaming ginagawa na mga footwork drill ng physical therapist namin para makuha ko ulit ang kumpiyansa ko,” wika Martes ng 31 taong-gulang, 6-10 ang taas na sentro mula sa Cebu sa 2OT podcast. “So far maganda naman ang movements ko. Sana tuloy-tuloy. May one month pa naman ako para mag-prepare.”
Tinataya ng basketbolista na makukuha niya ang full game-shape niya bago ang import-less season-opening conference sa Ynares Center sa Antipolo o Ynares Arena sa Pasig.
Labis din ang pasasalamat niya na nabigyan ng pagkakataong muling makalaro pagkaraang mabalian ng alulod sa praktis noong Pebrero 2020 na nagpaliban sa kanya buong ika-45 edisyon ng propesyonal na liga sa nasabing taon.
“Masaya ako, lagi ko ipinapasalamat kay God na binigyan ulit ako ng chance na makapagbasketbol uli,” ang hirit ng six-time PBA MVP. “Kasi nga, nakakatakot ang nangyari sa akin, eh. Binigyan Niya ako ng second chance na makabalik. Kaya gagawin ko ang best ko para makuha ko old form, o mas mataasan ko pa ang nilalaro ko dati.” (REC)
-
COPA aayuda sa swimming – Buhain
Inihayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na tulungan ang mga coach, trainer at iba pang indibidwal sa sector ng sports na apektado ng COVID-19 pandemic. “Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coach at […]
-
Exploring Riley’s Teenage Mind: Pixar’s “Inside Out 2” Tackles Anxiety and Joy
DISNEY and Pixar’s highly anticipated sequel, “Inside Out 2,” is set to hit cinemas nationwide next week, on June 12. Picking up from the last scene of the beloved 2015 film “Inside Out,” the new installment delves into the vibrant and tumultuous world of Riley’s mind as she steps into her teenage years. […]
-
3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]