• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COPA aayuda sa swimming – Buhain

Inihayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na  tulungan ang mga coach, trainer at iba pang indibidwal sa sector ng sports na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

“Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coach at mga kaibigan bago pumutok ang COVID-19. Kasama sa programa namin ang magsagawa ng trainings at seminars, but with COVID-19 pandemic, natuon ang pansin namin sa fund-raising para matulungan natin ang ating mga kasama na umaasa sa swimming,” pahayag ni Buhain.

 

Gumagawa na rin ng programa ang COPA, bukod sa maliit na halagang ayuda,  para mabigyan ng ‘loan’ ang mga swimming coach at trainor at makapagtayo ng maliit na negosyo tulad ng online selling.

 

“Natutuwa kami at marami tayong mga kaibigan na talagang nagbigay ng tulong, so far mahigit 500 swimming group na ang tumutulong sa COPA. Yung unity at malasakit  sa swimming community,” sambit ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom sa pamamagitan ng Sports on Air at livestream sa YouTube at Facebook.

 

Sa kasalukuyan, suportado ni Buhain ang panawagan ng swimming community na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng swimming.

 

“May mga pag-aaral naman na talagang nagsasabi, mismong DOH sinabi na namamatay ang virus sa tubig na may chlorine at acid which is matatagpuan sa tubig sa swimming pool. Under strict health protocol, kaya naman na maibalik na ang swimming,” sambit ni Buhain.

 

“Itong swimming sports naman ay hindi yung magtatampisaw at magsasama ang mga bata. Per lane naman ito, isang swimmer per lane at salubungan. Besides, dadaan sila sa rapid test before sumabak kaya mababa ang tsansa sa hawaan,” ayon kay Buhain sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.
“We have to be positive, I think ito ang thinking ng lahat ng kapwa ko atleta lalo na yung mga nag-qualified na sa Tokyo Olympics,” aniya.

Other News
  • IATF maghihigpit sa PBA

    Maghihigpit ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad ng health protocols sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.     Sa patakaran ng IATF at Department of Health, sa oras na umabot sa anim na teams ang nagkaroon ng positibo or kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19), agad na ipatitigil ang […]

  • Ads January 12, 2021

  • Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City,  ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper.     Sa report ni PCpl Myra […]