Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno.
“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” paliwanag ni Panelo.
Ang naging tugon naman ng Pangulo ay “Iyong sabi mong murder, although medyo malayo siguro sa isip ng tao iyan, but it is possible. If he knows that he is sick with COVID-19, and he goes about nonchalant, papasyal pasyal ka lang diyan. You are maybe it if it is intentional, malayo iyan. Pero it could be murder sabi ni Sal. At iyang reckless imprudence, mas swak doon sa sitwasyon na iyon.”
Maliban sa homicide at murder, puwede rin aniyang mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na may mga naitatala pa rin ang Philippine National Police na mga paglabag sa health protocols.
Sa katunayan aniya ay pumalo na sa 50,021 ang hindi nagsusuot ng face mask, habang nasa 613 ang dumalo sa mga mass gathering. Mayroon ring 13,882 na lumabag sa physical distancing.
Ayon sa Kalihim, mahigit 1,000 na ang nasampahan ng kaso sa korte.
-
Giyera baka humantong sa 3rd world war kung ayaw ni Putin ng peace talks – Zelensky
NAGPAKITA ng kanyang kahandaan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makipag-negotiate kay Russian President Vladimir Putin kaugnay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ngunit nagbabala si Zelensky na kapag hindi maisakatuparan ang nasabing negosasyon, maaari itong magresulta sa World War 3. Iginiit naman nito na handa siya […]
-
Direktor ng PDEA-NCR, sinibak dahil sa Taguig drug-bust
IPINAG-UTOS ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang pagsibak sa puwesto sa direktor ng PDEA-National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang mataas na opisyal ng tanggapan, dalawang ahente nito at isang driver, sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan. Sa isang pulong […]
-
7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19
Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta. Nabatid na ang 48-anyos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon […]