Lalaking pugot ang ulo, natagpuan sa Caloocan
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinugutan ng ulo saka isinilid sa sako at itinapon ang katawan sa bakanteng lote sa Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela St, corner Cadena De Amor St., Brgy. 175 na may bahid umano ng dugo.
Ipinagbigay alam ang insidente sa mga barangay officials na sila namang nagreport sa pulisya at nang buksan ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo nito.
Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos ang edad, may taas na 5’5 at magsisilbing palandaan para makilala ito ay ang tattoo niyang dragon sa likurang bahagi ng katawan.
Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa motibo sa pagpataya sa kanya. (Richard Mesa)
-
Kamara magbibigay ng P3-M kay Carlos Yulo matapos masungkit ang gold medal sa Paris Olympics
MAGBIBIGAY ng P3 milyong reward ang House of Representatives (HOR) kay Carlos Yulo dahil nasungkit nito ang gold medal sa 2024 Paris Olympics. Ito ang kinumpirma ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co. ” In recognition of his historic accomplishment, the House of […]
-
Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa
NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs. Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw. Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na […]
-
PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC
INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya. Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya. Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner […]