• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC

INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya.

 

Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya.

 

Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner Guerrero.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na kuntento siya sa trabaho ni Guerrero sa Customs at maganda naman ang ipinapakita nito. Aniya, marami ng sinibak sa puwesto si Guerrero sa BOC dahil sa katiwalian.

 

“Well, I am not — I am excluding Jagger. Kaya ko iniligay siya diyan eh. He is working well. Marami na siyang napaalis,” ayon sa Pangulo

 

Sa public address ng Pangulo ay inihayag nitong 20 ang nadismiss sa BOC habang nasa 1 daan at 35 ang under investigation at 45 ang naasunto na ng kasong administratibo na sabi naman ng Presidente ay dapat ding makasuhan ng kasong criminal.

 

“Sa… Hindi ko na lang basahin. Sa Customs, 20 na ang dismissed talaga. Apat ang suspendido, kaya siguro iniimbestiga pa. Four, reprimanded lang, 135 investigated by the BOC-Customs Intelligence and Investigation Service. So iniimbestigahan pa. Forty-five charged with administrative cases before the BOC-Legal Service,” aniya pa rin.

 

“Now, dito sa administrative, hindi ako… I’m not satisfied. There has to be a law being — to charge with administrative… I’d like to call the Customs na criminal pati administrative talaga. And dito sa… Ito namang sa PhilHealth na ‘yung that’s what I cannot under- stand,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • Teves, binigyan ng 24 oras ultimatum ng House

    BINIGYAN ng ultimatum na 24 oras si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para pisikal na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics.     Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng nasabing komite sa pag-expire ng travel authority ni Teves noong Marso 9.     Sinabi ni committee chair Rep. Felimon Espares na hindi […]

  • Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

    AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.   Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]