• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGBTQI, PROTEKTADO SA MAYNILA

PROTEKTADO na ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila ang mga lesbians, gays, bisexu-als, transgender, queers and intersex (LGBTQI).

 

Ito ay makaraan lagdaan kahapon ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno”Domagoso, ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) at pagparusa sa sinuman na lalabag sa ordinansa sa Maynila.

 

Kasama ni Moreno sina Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at President ProTempore at Acting Presiding Officer Ernesto Isip, Jr. ng lagdaan ni Moreno ang Ordinance 8695 na inakda ni Councilor Joel Villanueva na tinawag na “Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020”.

 

Ayon kay Moreno ,walang LGBTQI, ang magdurusa sa anumang uri ng diskriminasyon at lahat ay magiging pantay sa ilalim ng batas.

 

Sinabi ni Moreno na sa ilalim ng ordinansa ,bibigyan ng proteksiyon ang LGBTQI sa kanilang mga workplace, school at social media mula sa pambu-bully.

 

Sa ilalim ng ordinansa dapat na sa loob ng 3 taon ay meeon ng gender-neutral toilets sa loob ng comfort room ng restaurants, bars, stores, movies houses, shopping malls at iba pang katulad na establisimiyento kung hindi ito matutugunan ay hindi papayagan ang renewal ng kanilang business peemit.

 

Maaari umanong maghain ng kanilang reklamo ang LGBTQI sa mga Barangay Chairman kung saan sila nakatira.

 

Papatawan ng P1,000 multa o 6 na buwan pagkabilanggo sa diskresiyon ng korte, sa unang pagkakamali , anim na buwan hanggang 8 buwan pagkabilanggo sa ikalawang pagkakamali, at sa ikatlong pagkakamali 8 buwan hanggang 1 tain pagkabilanggo at multang P5,000.

 

Bilang karagdagang parusa,ang mga lalabag ay isasailalim sa human rights education ng MGSDC sa itatakdang panahon ng korte.

 

Sa kaso naman ng corporations, partnerships, associations at ibang juridical persons, ang mga opisyal ang direktang mananagot.

 

Lilikha rin ng Gender Sensitivity and Development Council (MGSDC) sa ilalim ng ordinansa na siyang magpapatupad ng anti- discrimination programs at ng i tegrate at synchronize programs, projects at activities para sa LGBTIQ community.

 

Sa loob ng 60 araw matapos na maging epektibo ang ordinansa, ang MGSDC ay dapat na bumuo ng ipatutupad na Rules and Regulations and guidelines alinsunod sa isinagawang konsultasyon sa multi-sectoral groups at stakeholders,kinabibilangan ng mga eksperto at kinatawan ng iba’t ibang sektor haya ng civil society, LGBTQI, non-governmental organizations, LGBTQI organizations at community-based organizations. (Gene Adsuara)

Other News
  • 11th ASEAN Para Games gaganapin na sa Indonesia

    GAGANAPIN na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.     Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.     Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.     Huling ginanap […]

  • Maraming Filipino takot pa rin na madapuan ng COVID-19 – SWS

    Maraming mga Filipino pa rin ang nangangamba at natatakot na madapuan ng COVID-19.     Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 91 percent sa 1,200 adults ang nagsabing takot silang madapuan ng virus.     Isinagawa ang survey mula Setyembre 12 hanggang 16 kung saan 76 percent dito ay nagsabing nababahal […]

  • PH Football League, tuloy na ang pagsisimula matapos maantala dahil kay Quinta

    TULOY na tuloy na ang pagsisimula ng bagong season ng Philippine Football League (PFL) sa araw ng Miyerkules sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.   Nakansela ang nasabing pagsisimula ng bagong season nitong Linggo dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta.   Kasama rin na nagpaantala ng pagsisimula ay ang pagpositibo sa coronavirus ng […]