PH Football League, tuloy na ang pagsisimula matapos maantala dahil kay Quinta
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
TULOY na tuloy na ang pagsisimula ng bagong season ng Philippine Football League (PFL) sa araw ng Miyerkules sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.
Nakansela ang nasabing pagsisimula ng bagong season nitong Linggo dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta.
Kasama rin na nagpaantala ng pagsisimula ay ang pagpositibo sa coronavirus ng ilang mga manlalaro.
Dahil dito ay sumailalim sa antigen test ang mga manlalaro, coaches at staff sa Seda Nuvali, Santa Rosa, Laguna na lumabas na negatibo sila lahat.
Tiniyak naman ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta na masusunod ang health and safety protocols kapag tuluyan ng magsimula ang liga.
-
Durant nagtala ng 26-pts sa panalo ng Nets kahit wala pa si Harden at Irving
Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets. Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players. Para naman sa Knicks […]
-
Isa sa tinuturing na ideal showbiz couple: JUDY ANN at RYAN, nag-celebrate na ng 15th wedding anniversary
TWENTY years ago, October 2004 ay pinagbidahan ni Judy Ann Santos ang ‘Krystala’, ang fantasy/adventure series ng ABS-CBN kung saan ang mortal na si Tala ay nagiging superhero dahil sa isang mahiwagang kristal. Dito ay si Ryan Agoncillo ang naging leading man ni Judy Ann, dito rin nagsimulang mabuo ang kanilang magandang pagtitinginan. […]
-
US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China
ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US. Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US. Nabatid na unang naglabas ng kautusan […]