• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wall of heroes, itinatayo na sa Libingan ng mga Bayani- PDu30

NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan.

 

Sa nasabing seremonya, ibinalita nito na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.

 

Pumayag  kasi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.

 

Ang lahat  ng mga namatay na mga doktor at nurses, mga attendants na nahawa ng Covid-19 ay pararangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng mga ito sa wall.

 

“It is now being built. And I would like to thank the Armed Forces of the Philippines for their “pagmalasakit” sa kapwa Filipino,” ayon sa Pangulo.

 

Hinikayat din nito ang mga mamamayang Filipino na dakilain ang mga “modern day heroes” gaya ng mga healthcare workers, law enforcement officers at iba pang frontliners na naging instrumental sa paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.

 

Sa nakalipas na taon, isinakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay at seguridad upang matiyak na ang lipunan ay magpatuloy na gumagana sa kabila ng Covid crisis.

 

“Marami pong salamat sa inyng pagmalasakit at serbisyo,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA

    INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo.     Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni  Commissioner Rey Bulay […]

  • Malakanyang, kinilala ang nasawing SAF 44

    KINILALA ng Malakanyang ang kabayanihan ng  44 Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na  nasawi sa madugong enkwentro laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015.     “Ngayong ika-25 ng Enero, ating inaalala ang kabayanihang ipinakita ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) officers sa munisipalidad ng […]

  • MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M

    UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.     Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.     Sa inilabas na datos  ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang […]