‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang tinaguriang “Wall of Heroes.”
“Before I forget mayroon tayong Wall of Heroes at pumayag naman ang Armed Forces na magtayo tayo ng Wall of Heroes diyan sa Libingan ng mga Bayani,” ani Duterte.
Muli ring kinilala ng pangulo ang kadakilaan at sakripisyo ng medical frontliners para mabigyan ng tulong medikal ang mga nangangailangang pasyente.
“Let us honor our modern-day heroes, our healthcare workers, law-enforcement officers and other frontliners who are instrumental in our fight against COVID-19 pandemic.”
“In the past year, they have risked their own lives and sacrificed their own comfort and security to ensure that our society will continue to function despite this crisis.”
Batay sa tala ng Department of Health, tinatayang 22,652 indibidwal na ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.
Mula ito sa 1,308,352 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.
As of June 11, nasa 19,389 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19. Mula rito, 98 na ang namatay.
-
PNP CHIEF GAMBOA, 7 PA SAKAY NG BUMAGSAK NA CHOPPER SA LAGUNA
AYON sa dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP), stable na ang kondisyon ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa matapos mag-crash ang sinasakyang chopper sa Laguna, bandang alas otso ng umaga, kahapon Marso 5. “Nasa mabuti siyang lagay, maganda po ang kanyang lagay,” saad ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General […]
-
KEANU REEVES, CARRIE-ANNE MOSS REUNITE AS NEO & TRINITY IN “THE MATRIX RESURRECTIONS”
THE chemistry, the power… Watch the cast and filmmaker reflect on Neo and Trinity’s journey through the Matrix in the newly released vignette below. Don’t miss them reunite in Warner Bros. Pictures’ new action thriller “The Matrix Resurrections” in Philippine cinemas January 12. YouTube: https://youtu.be/bp68PjgoQzQ From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix […]
-
Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers
DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon. Ngayong taon, sunud-sunod na umabot […]