PNP CHIEF GAMBOA, 7 PA SAKAY NG BUMAGSAK NA CHOPPER SA LAGUNA
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
AYON sa dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP), stable na ang kondisyon ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa matapos mag-crash ang sinasakyang chopper sa Laguna, bandang alas otso ng umaga, kahapon Marso 5.
“Nasa mabuti siyang lagay, maganda po ang kanyang lagay,” saad ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Camilo Cascolan, the PNP deputy chief for admi-nistration.
Ganito rin ang sinabi ni PNP directorial staff chief Lieutenant General Guillermo Eleazar.
“Salamat sa Diyos naman at ang ating chief PNP ay nasa maayos na kalagayan,” pahayag niya sa hiwalay na panayam.
Sakay si Gamboa ng isang police chopper nang mag-crash ito sa San Pedro, Laguna kung saan nila ininspeksyon ang impounding area ng Highway Patrol Group.
Kabilang sa mga sakay bukod kay PNP Chief General Archie Gamboa ay sina PNP chief-PIO Police Brigadier General Bernard Banac, PNP comptrollership chief Major General Jovic Ramos, chief of the Directorate for Intelligence Major General Mariel Magaway, isang Aide ni Gamboa, ang piloto, at ang dalawang crew ng chopper na sina pilot PLTCOL Ruel Zalatar, co-pilot PLTCOL Rico Macawili at crew na si PSMSGT Louie Cestona.
Base sa report ng mga tauhan ng PNP na nasa lugar nang mangyari ang insidente, zero visibility ang lugar dahil sa alikabok nang magsimulang tumaas ang chopper.
Hindi pa masyadong naka-kataas ay nagpagewang-gewang muna ang chopper bago ito sumabit sa live wire at bumagsak sa isang kalye sa labas lamang ng compound.
Agad ding sumiklab ang apoy sa chopper na maagap namang nirespondehan ng mga naka-antabay na mga bumbero para sa event.
Isa sa mga unang nailabas mula sa chopper bago pa man bahagyang nasunog ang isang bahagi ay si Gamboa na inilabas mula sa kanan bahagi ng chopper.
2 police generals kritikal ang kondisyon – Dr Bedia
KINUMPIRMA ni Dr. Elvis Bedia, presidente ng Unihealth Southwoods Hospital sa Binan, Laguna na comatose na nang dumating sa ospital sina Directorate for Comptrollership Major General Jovic Ramos at Director for Intelligence Major General Mariel Magaway matapos bumagsak ang Bell 429 twin engine helicopters.
Sinabi ni Bedia, kapwa nagtamo ng mga sugat sa ulo at mukha ang dalawang police generals.
Sa ngayon, nagkamalay na si Magaway na inilipat na sa Asian Hospital.
Si Ramos na lamang ang wala pang malay at nananatiling comatose.
Pinakamatindi ang tama ni Ramos na nagkaroon ng fracture sa mukha at kailangang operahan.
Dinala siya sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig pasado alas-10 ng umaga.
Isa pang mataas na opisyal ng PNP na si PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, ay stable na rin umano ang kondisyon.
Sinabi ni Deputy Director Gen for administration Lt Gen Camilo Cascolan sina Ramos at Magaway ang nakaupo sa left side ng chopper kung saan ito ang bahagi ang may malakas na impact ng bumagasak ang chopper.
Nagdarasal naman ang mga pulis sa Kampo Crame para sa agarang ikagaling ni PNP chief at ng iba pang mga opisyal ng PNP.
Dalawang taon pa lamang ang bumagsak na Bell 429 twin-engine rotary wing aircraft na may tail number RP 3086. Taong 2018 ng ideliver ito sa PNP.
Ito ang nag-iisang brand new 8-seater chopper ng PNP.
Dalangin ng PCOO, mabilis na pag-recover ng 8 kasama sa crash
KAAGAD na nagpaabot ng panalangin ang Malakanyang sa mabilis na pag-recover ni PNP Chief General Archie kasunod ng pagbagsak ng sinakyan nitong chopper sa San Pedro sa Laguna.
Sa kalatas na ipinadala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ay sinabi nitong nananalangin sila na maging maayos si PNP Chief Gamboa ganundin ang mga kasama nito sa nag-crash na Bell 429 chopper.
Apela ng Malakanyang sa publiko
UMAPELA at nakiusap ang Malakanyang sa sambayanang Filipino na iwasang lumikha ng espekulasyon hinggil sa nangyaring helicopter crash kina PNP Chief General Archie Gamboa at pitong iba pa.
Ayon Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gumugulong pa ang imbestigasyon at maka-bubuting hintayin na lamang ang magiging resulta ng ikinakasa nang pagsisiyasat kaugnay ng nang-yaring chopper crash.
Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang balita na wala namang seryosong pinsalang tinamo si General Gamboa at mga kasama nito.
Aniya, patuloy na imo-monitor ng Malakanyang ang anumang development sa nangyaring aksidente kaninang umaga sa Laguna.
Kaugnay nito ay nananalangin din aniya sila para sa agarang paggaling ng dalawang opisyal na kasama ni Gen. Gamboa na sinasabing nasa kritikal na kondisyon sa kasalukuyan.
Samantala, posibleng bisi-tahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Gamboa at mga kasama nito. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas naging puspusan na ang ensayo 1 linggo bago ang FIBA World Cup Asian Qualifiers
NAGING puspusan na ang ginawang pagsasanay ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrereo 24 hanggang 28 sa Araneta Coliseum sa Quezon City. Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na idinagdag nila si Francis “Lebron” Lopez na siyang pinakahuling napili ng Samahang Basketball ng Pilipinas na makasama […]
-
PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors
MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas. Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na. Ang […]
-
Coach ni McGregor tiniyak na wala ng aberya sa laban kay Pacquiao
TINIYAK ng kilalang mixed martial arts coach John Kavanagh na matutuloy ang harapan ng kaniyang alagang si Conor McGregor at Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito na kontrata na lamang ang kulang dahil nagkaroon na ng inisyal na pag- uusap and dalawang kampo. May mga ilang detalye pang pinaplantsa ang dalawang kampo. Nauna […]