• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala naka-2 Grand Slam titles na

Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.

 

 

Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa Kiara Toth, 6-0, 7-5 demolisyon sa finals.

 

 

Walang sinayang na sandali sina Eala at S­elekhmeteva nang pulbusin nito sina Bondarenko at Toth sa first set.

 

 

Ito ang nagsilbing regalo ni Eala sa bansa sa ika-123 Independence Day ng Pilipinas.

 

 

“Sa lahat ng mga Pinoy na nanood, maraming sa­lamat sa suporta. It’s a­ctually the Independence Day today (in the Philippines) so I hope that I made my contribution to the country,” ani Eala.

 

 

Si Eala ang pinakamatagumpay na juniors player sa kasaysayan ng Pilipinas matapos makasungkit ng dalawang Grand Slam titles.

 

 

Una nang nakuha ni Eala ang kanyang first Grand Slam noong nakaraang taon matapos magreyna sa Australian Open juniors girls’ doubles kasama si Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho.

Other News
  • Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO

    RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang infrastructure projects ng pamahalaan. Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din […]

  • NU undefeated pa rin sa Men’s Volleyball

    Matapos ibagsak ang unang dalawang set, bumalik ang National University Bulldogs para manatiling walang talo sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament, 22-25, 22-25, 25-14 25-22, 15-6, laban sa University of the East noong Linggo sa PhilSports Arena.   Si Congolese rookie Obed Mukaba ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa walong pag-atake, siyam […]

  • PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.     Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]