• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta

Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.

 

 

Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.

 

 

Isa aniya itong game plan para matiyak na ang mga Olympic at Paralympic Games participants at mga katao sa Japan ay mananatiling ligtas at malusog.

 

 

Ayon kay IOC Olympic Games Executive Director Christophe Dubi, ang Playbooks ay resulta ng halos isang taon na pakikipagpulong sa mga eksperto at ilang mga sports organisations.

 

 

Bagamat hindi nakasaad sa Playbooks ang mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19, hinihikayat nila ang mga manlalaro at mga dadalo sa torneyo na magpaturok na ng bakuna.

 

 

Babala naman ni Olympic Games operations director ng IOC Pierce Ducrey na kanilang idi-disqualify ang mga manlalaro na lalabag sa nasabing playbooks.

Other News
  • PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa  Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng […]

  • Ads January 25, 2024

  • Basketball hoop ni Kobe naibenta sa auction ng mahigit P1.8-M

    Naibenta sa halagang $37,200 o mahigit (P1.8 million) ang basketball hoop ni Kobe Bryant na ginamit niya noong bata pa ito.     Ayon sa Heritage auction, na ang nasabing basketball board at ring ay dating nakalagay sa garahe ng Los Angeles Lakers star sa kanilang bahay sa Pennsylvania.     Ang nasabing basketball hoop […]