• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Virtual concert ni NADINE, tuloy pa rin kahit may isyu pa sa kontrata sa Viva; nagpapasalamat kay JAMES

NAGLABASAN na nga sa iba’t-ibang news ang resulta ng kaso ni Nadine Lustre sa Viva at isa sa mga ito ay ang kailangan daw i-honor ang kontrata niya. 

 

 

     Nang tanungin ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel si Nadine tungkol dito, isang matipid pero tila may kumpiyansa pa rin na sagot niya, “Well, I trust naman that Attorney Lorna Kapunan can help me out of this.

 

 

“And I’m leaving it all up to them.”

 

 

Sa kabila nga ng isyu niya sa Viva, tuloy pa rin ang virtual concert niya sa July 3, ang Absolute Madness at grateful daw siya sa lahat ng nangyayari sa kanya at kung ano siya ngayon.

 

 

Obvious din sa mga sagot ni Nadine na maganda ang relasyon niya sa pamilya ni James Reid at kay James mismo.

 

 

When asked kung ano ang message niya kay James, sey niya, “Thank you for everything. Like, I’ve really appreciate him.”

 

 

***

 

 

NANG tanungin si Beauty Gonzalez, ang bagong Kapuso ngayon kung sino sa mga Kapuso leading men ang gusto niyang makasama o makapareha, ang una niyang binanggit ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

Sey niya, “I wanna work with Dingdong kasi he’s one of the biggest stars and also Alden Richards. I saw a few films of them and I want to work with them also.”

 

 

Nabanggit din ni Beauty na gusto rin niyang makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Gabby Concepcion.

 

 

Kung may nilu-look forward man daw siya ngayong isa na siyang Kapuso ay ang pwede niyang matutunan pa.

 

 

    “Yung learning, I want to learn new things. Excited din ako to meet new friends, new challenges. I’m really excited for new beginning.”

 

 

***

 

 

PARANG ang daming Kapuso stars na excited na talaga kung tuluyan na ngang magiging isang official Kapuso ang nagbabalik na si John Lloyd Cruz.

 

 

Ang daming nag-comment ng heart sign, clapping emojis na Kapuso stars sa naging Instagram post ng GMA Pictures President and Programming Consultant to the GMA Chairman na si Attorney Annette Gozon-Valdes. 

 

 

Ipinost kasi nito ang picture kunsaan, kasama niya si John Lloyd at may caption na, “At last nagkita na kami.  Exciting times ahead! Abangan!”

 

 

     Maikli lang ang caption niya, pero sa “exciting times” at “abangan” e mukhang do’n talaga na-excite kahit ang ibang netizens.

 

 

Well, mukha naman talagang magtutuloy-tuloy na si John Lloyd na kung hindi man maging network contract artist ay may gagawin sa GMA at most likely, sa GMA Films din.

 

 

Hindi namin masasabing bitbit si John Lloyd ng mag-asawang Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto dahil separate ang “entry” ni John Lloyd sa mag-asawa at sa ibang staff at artists na balitang bitbit ng mga ito sa GMA, pero ‘di-malayong magkaka-trabaho pa rin sila sa Kapuso.

 

 

Sa mga Kapuso stars nga pala na tila happy at excited kay John Lloyd, nandiyan sina Kim Rodriguez, Kyline Alcantara, Sofia Pablo, Shaira Diaz at Yasmien Kurdi.

(ROSE GARCIA) 

Other News
  • Beda may bala na panlaban sa Letran

    ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th  National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.   Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.   Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan. […]

  • DOH: Publiko gustong mauna sa bakuna ang government officials

    Nais umano ng taumbayan na makita na maunang magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan bago sila sumailalim sa ‘vaccination’, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, ito ang resulta ng isinagawa nilang “focus group discussions (FGD)” kung saan tinitignan ng publiko ang […]

  • Abueva balik-PBA na

    Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva. Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang […]