• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, makikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month kasama ang LGBT Community

LUNGSOD NG MALOLOS– Ipagdiriwang ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community-Bulacan Federation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at pakikiisa ng PNP-Bulacan ang taunang LGBT Pride Month mula Hunyo 17 hanggang Hulyo 22, 2021 bilang pagkilala sa positibong impluwensya ng mga LGBT sa mundo.

 

 

Tinawag na ‘Lakbay Kumustahan: The LGBT Bulacan Hello Caravan 2021’, bibisita ang mga opisyal ng pederasyon sa mga lokal na samahan ng LGBT sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan upang palakasin ang ugnayan at talakayin ang mga proyekto at programang kapaki-pakinabang sa mga Bulakenyong LGBT.

 

 

Kabilang sa tatalakayin ang malawakang information campaign hinggil sa kanilang karapatan at Anti-Discrimination Bill; mga programang maaari nilang mapakinabangan; database at profiling upang maitala ang datos at estado ng LGBT na makatutulong na makatugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, edukasyon, trabaho, negosyo at kalakalan kung saan ibabase ang tamang paglikom ng programa at pondo mula sa ibang ahensya at departamento na kasudlong ng sektor.

 

 

Gayundin, ilalatag ang Cash for Work Program sa humigit kumulang na 500 Bulakenyong LGBT para naman sa mga nawalan ng hanapbuhay.

 

 

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na tinitiyak ng lalawigan na napapahalagahan ang lahat ng papel na ginagampanan ng bawat sektor sa lipunan.

 

 

“Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan at kayo ay isa dito. Your contributions are as vital as everybody’s who is willing to share his part for the province, kaya buo ang suporta namin sa inyo,” ani Fernando.

 

 

Samantala, tatanggap ang 371 Bulakenyong LGBT ng tig-P5,000 bawat isa mula sa programa na DOLE-DOT Bayanihan Act II para sa Tourism Displaced Workers na tulong pinansiyal para sa mga nawalan ng trabaho at Negosyo; 10 ang tatanggap ng Negosyo Cart at 80 E-loading station mula DOLE at PESO Bulacan.

 

 

Bukod dito, may 300 iskolar din na hinahanap ang samahan sa tulong ng Tanggapan ng Punong Lalawigan ng Bulacan bilang suporta sa mga kabataang Bulakenyong LGBT na nais makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

 

 

Sa higit kumulang na 25,000 miyembro ng pederasyon ng LGBT Bulacan na may edad 18 taon pataas, layon din ng gawain na itaas ang kamalayan ng Bulakenyong LGBT sa kanilang tungkulin bilang force multipliers pagdating sa kaligtasan at kapayapaan bilang bahagi ng LGBT Bulacan Federation sa advocacy  group ng PNP Bulacan sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang pag-iinstitusyunado ng Pangulo sa Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng NPA.

Other News
  • Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo

    Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.   Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.   Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng […]

  • Role ng isang sex worker, pinaka-daring sa nagawa: JULIA, inaming simple lang at ‘di naman mahirap na pakisamahan

    BASE sa title ng bagong movie na pinagbibidahan ni Julia Barretto, ang “Expensive Candy” ng Viva Films kung saan, leading man niya si Carlo Aquino at written and directed naman ni Jason Paul Laxamana, diretsahan naming tinanong si Julia kung gaano siya kamahal mahalin.     “My gosh, I’m not the right person to answer […]

  • XIAN LIM’S ‘MALA: IBONG ADARNA’ TO STREAM AT THE CCP-OFFICE OF THE PRESIDENT FACEBOOK PAGE

    THE famed Filipino literary classic ‘Ibong Adarna’ will be showcased in a puppetry film series slated on October 31, 2020 at 5:45pm on the Cultural Center of the Philippines – Office of the President Facebook page.   Using muppets, visual effects and live action, Ibong Adarna is one of the puppet series for children under […]