• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo

Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.

 

Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.

 

Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng Zamboanga City.

 

Nitong Miyerkules naman ay sumalang sa testing ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Pasig-Sta. Lucia Realtors, Palayan City Capitols at Porac-Big Boss Cement Green Gorillas.

 

Sa Susunod naman na linggo ang ibang koponan gaya ng Bicol Volcanoes, Sarangani Marlines, Val City Classic at iba pa.

 

Dagdag pa na magiging staggered din ang gagawing ensayo.

 

Mahigpit ang ipinatupad na health protocols gaya ng pagpirma nila ng contact tracing.

 

Inaasahan naman na magsisimula ang mga laro sa Oktubre 2 para sa kanilang President’s Cup na gaganapin sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.

Other News
  • MAINE, thankful na endorser uli ng company na unang nagtiwala sa kanya; ramdam pa rin ang pagiging ‘Phenomenal Star’

    RAMDAM na ramdam pa rin ang Phenomenal Star na rami ng ganap ni Maine Mendoza lalo na ngayong buwan ng Hulyo.     Patuloy siyang mapapanood sa Eat Bulaga bilang host na nagsi-celebrate ng 42nd Anniversay ngayong July 30.     Patok pa rin sa viewers ang Daddy’s Gurl every Saturday with Bossing Vic Sotto […]

  • Mikael at Megan, nagsawa sa city at susubukang tumira sa probinsya

    SUSUBUKAN ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang tumira ng isang buwan sa Subic.    Nabanggit nila noon sa kanilang podcast at gusto nilang masubukan ang tumira sa probinsya kunsaan tanaw nila ang mga bundok at maraming puno sa paligid.   Nagsawa raw kasi sila sa pagtira sa city lalo na noong magkaroon ng […]

  • 19 Pinoy athletes palaban sa Olympic Gold — Ramirez

    Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal.     Ito ay sa kabila ng matinding kompetisyon na sasabakan ng 19 Pinoy athletes sa kani-kanilang events sa quadrennial event na magsisimula sa Hulyo 23. […]