Saso No. 8 na sa world ranking
- Published on June 18, 2021
- by @peoplesbalita
Muling umangat si reigning US Women’s Open champion Yuka Saso sa world ranking nang okupahan nito ang No. 8 spot sa listahan.
Lumundag ng isang puwesto ang 19-anyos Pinay golfer mula sa kanyang dating ika-siyam na puwesto sa ranking.
Bumagsak naman sa No. 9 si Hyo-Joo Kim ng South Korea matapos itong malagay sa ika-57 puwesto sa katatapos na LPGA Mediheal Championship.
Nanatili naman sa No. 1 spot si Jin Young Ko kasunod sina In Bee Park, Sei Young Kim, Nelly Korda, Brooke Henderson, Danielle Kang at Lexi Thompson.
Bukod sa pag-angat sa world ranking, masayang-masaya si Saso nang sa wakas ay makita na nito ng personal si dating world champion Rory McIlroy.
Hindi maipaliwanag ni Saso ang naramdaman nito nang makasama si McIlroy sa practice session ng US Open sa Torrey Pines.
“I didn’t know how to say, ‘Hi.’ But he was so nice. He was so kind. He was so open. When I asked him a question, he was so honest. I hope I can ask him more advice,” ani Saso.
Maliban kay McIlroy, nakita rin ni Saso ang iba pang kilalang boxers gaya nina US Open champion Bryson DeChambeau at PGA champion Phil Mickelson.
“I saw Phil activating his calves, and yeah, I saw Jordan Spieth. I saw the great players. It’s been a great day, and I’m thinking to come back tomorrow morning before I fly back to Atlanta,” dagdag ni Saso.
Ngunti hindi makakalimutan ni Saso ang enkuwentro nito kay McIlroy na pangunahing idolo nito.
“He let me go inside the ropes. That was really great. I talked to him about things. I can’t share it with you guys. I want to keep it with me,” ani Saso.
-
PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of […]
-
PBBM, nangakong lilikha ng ‘enabling environment’ para sa PH research
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangako na lilikha ng “enabling environment” para sa research sa bansa pamamagitan ng pagsusulong na makalikha ng “local virology institute and disease prevention and control center.” Bahagi ito ng pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System […]
-
UFC champion Conor McGregor tanggal na unang puwesto ng Forbes highest-paid athletes
NATANGGAL na sa unang puwesto bilang highest paid athlete ng Forbes si UFC-two division world champion Conor McGregor. Base sa pinakahuling listahan ng Forbes nasa pang-35 na puwesto na ito ngayon na mayroong kita na $43 milyon. Noong nakaraang taon kasi ay nangunguna siya na mayroong $180 milyon na kinita ng […]