Sharon, naging senti nang ipinakita ang red LV bag ni Mommy Elaine
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
GRANTED na ni Megastar Sharon Cuneta ang requests ng kanyang mga Sharonians at mga YouTube subscribers na i-feature naman niya sa kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network, na she titled “My Bag Collection.”
Inamin ni Sharon na na- accummulate daw niya iyon simula pa nang magtrabaho siya, pero ilan lamang ang dinala niya para ipakita, iyon lamang mga paborito niya, na lahat ay inisa-isa niya ang story ng bawat bag na binili niya, na makikita mo naman talaga na mga naiiba ang shape, sizes at color ng bawat isa. Hindi raw naman niya ito laging ginagamit, kapag may project siya na kailangan ang handbag, either provided ito ng production o bumibili siya ng babagay sa kanyang character sa movie o TV show.
Naging senti si Mega nang ang huli niyang ipinakita ay ang red Louis Vuitton bag na naiwan sa kanya ng inang si Mommy Elaine bago ito pumanaw, na naroon pa raw ang laman nito, hindi niya inaalis hanggang sa ngayon.
Advice lamang ni Sharon sa mga nanood ng vlog niya, na bumili lamang sila ng mamahaling bagay na talagang kailangan nila, dapat daw ay mas maglaan ng pera sa mga needs nila, lalo ngayong panahong ito.
Ipamamana ni Sharon ang mga handbags niya sa mga anak niyang sina KC, Frankie , Miel at sa magiging daughter-in-law raw niya sa anak niyang si Miguel.
*****
SURPRISED ang real-life sweethearts na sina Global En- dorser Gabbi Garcia and new Kapuso actor na si Khalil Ramos, sa new project na ibinigay sa kanila ng GMA Network.
Nasa GMA lamang sina Gabbi at Khalil last Thursday, dahil kailangan nilang magpa-swab test para sa isang bagong show ni Gabbi na In Real Life (IRL), a youth- oriented reality program, para sa GMA News TV. Special guest niya sa pilot episode si Khalil.
Pero nagulat sila nang bago sila umalis, may iniabot na isang red big envelope sa kanila, na nagsasabing mayroon silang isang proyektong gagawin, a mini-series, na sila ang magkatambal.
Siyempre pa ay tuwang-tuwa si Khalil dahil hindi pa siya nagtatagal na lumipat sa Kapuso network ay sunud-sunod na ang projects na ginagawa niya.
Sekreto pa ang tungkol sa new project, pero may title na itong Love You Stranger. Very soon ay magkakaroon daw ito ng big reveal.
*****
TAPOS na ang matagal na paghihintay ng mga viewers ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil may ipinalabas nang teaser na mapapanood na ang fresh episodes nito simula sa November 9, pagkatapos ng Ika-6 na Utos.
Mabuti na lamang at ipinalalabas muna ngayon ang re- cap ng serye na mukhang nasa highlight na, iyong nagtagumpay si Kendra (Aiko Melendez) na idiniin niyang si Lilian (Katrina Halili) ang mastermind sa pagnanakaw ng Claveria crown na ang totoo ay si Kendra ang mastermind. Magtagumpay nga kaya si Kendra at matuloy na ang kasal nila ni Jaime? (NORA V. CALDERON)
-
Mahigit 9 milyong kabataang menor de edad , bakunado na laban sa Covid-19
MAHIGIT sa 9 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naka-kumpleto na ng kanilang Covid-19 doses habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang nakakuha naman ng kanilang initial shots “as of Monday.” “There have been no reported serious adverse events following vaccination in the country,” ayon kay National […]
-
Top 6 most wanted person ng NPD, timbog
Makalipas ang limang taon pagtatago, nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Calumpit, Bulacan. Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head P/Col. Ferdinand Del Rosario kay NPD Director PBGen. Eliseo Cruz kinilala ang naarestong suspek na si Rudy […]
-
1,391 motorista namultahan sa paggamit ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue; LTO on red alert
MAY mahigit na isang libong motorista ang namultahan dahil sa paggamit ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City. Sa isang ulat na nilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may kabuohang 1,391 na motorista ang nabigyan ng citation tickets dahlia sa paglabag sa motorcycle land policy. Binigyan ng MMDA […]