• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.

 

 

Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus bubble.

 

 

Pinapayagan na ang maliliit na group session training at individual workouts sa NCR plus bubble subalit bawal pa ang contact sports gaya ng basketball.

 

 

Ngunit tiwala ang PBA at GAB na papayagan na ang training at scrimmages  sa oras na maglabas ng panibagong quarantine restrictions sa lugar.

 

 

Kasalukyang nasa General Community Qua­rantine with some restrictions ang NCR plus bubble.

 

 

“There’s no clear indication yet,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Dahil sa restrictions, nagsasanay ang iba’t ibang teams sa labas ng NCR plus bubble gaya ng  Batangas City, Ilocos Norte at Pampanga.

 

 

Ayok kay GAB chairman Baham Mitra, posibleng mapayagan na sa Hulyo 1 ang training resumption sa NCR.

 

 

Sa oras na makapag-ensayo na sa NCR plus bubble ang PBA teams, malaki ang posibilidad na makapagsimula na ang season ng liga sa Hulyo.

Other News
  • Grizzlies nasungkit ang panalo laban sa Mavericks

    Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.       Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag […]

  • Simona Halep pasok na sa semifinals ng Wimbledon

    PASOK na sa semifinals round ng Wimbledon si Simona Halep matapos ma-sweep si Amanda Anisimova.     Hindi na pinaporma pa ng Romanian tennis ang American player sa score na 6-2, 6-4.     Sa unang set ay hawak pa ni Anisimova ang kalamangan 0-4 hanggang ito ay tuluyang mahabol ni Halep at tapusin ang […]

  • Magno ‘nag-eespiya’ na rin

    BUKOD sa kaabalahan sa pag-eensayo ni Irish Magno, ‘iniispayan’ din niya ang mga posibleng makasapakan sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa Hulyo 23-Agosto 8 tapos maurong dahil sa COVID-19.     Kasagsagang nag-o- Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang boksingera, 29, 5-2 at […]