• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay

Madi-delay ang pag­da­ting sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

 

Ayon kay Galvez, na­ka­tanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Component 1 nitong Hunyo.

 

 

“We have already informed all local govern­ment units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” ani Galvez.

 

 

Samantala, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna ka­hit pa ma-delay ang pag­bibi­gay ng 2nd dose ng Sput­nik V. (Gene Adsuara)

Other News
  • PNP isinumite na ang mga hawak na ebidensiya sa NBI re Commowealth ‘misencounter’

    Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na boodle money na nagkakahalaga ng P1-million pesos ang kanilang narekober sa madugong misencounter sa Commonwealth sa pagitan ng PNP at PDEA.     Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director BGen. Robert Rodriguez, nakarekober ng PNP SOCO ng P1 million boodle money sa isang van na ino occupy […]

  • Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games

    PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.     Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng […]

  • Duterte humalik sa lupa

    Hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lupa kung saan naganap ang pagsabog sa Jolo, Sulu.   Binisita ni Duterte ang lugar kung saan lumuhod siya at humalik sa lupa.   “That’s why      when I visited the blast — and thank you for sharing with me the gesture — lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least […]