• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido

NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.

 

Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis .

 

Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Kalakhang Maynila ay “one-seat apart arrangement” sa mga sasakyan.

 

“Alam naman po natin ang IATF one-seat apart po ang sasakyan ng kotse. Once tanggalin natin ang number coding baka mag siksikan sa isang kotse,” ayon kay Abalos.

 

“Pangalawa, hindi pa po normal ang ating transport system at manageable pa naman po ang ating traffic, except of course for rush hours,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Tiniyak naman ni Abalos na gagawin ng lahat ng MMDA at maghahanap ng paraan para makatulong na mapagaan ang trapiko lalo na kapag rush hours.

 

Sinabi pa nito na nakapagtala ang MMDA ng improvement o pagbuti sa average speed ng mga sasakyan sa Metro Manila.

 

“Currently, cars average a speed of 24 kilometers per hour which is higher than the average speed of 11 kilometers before the pandemic,” anito.

 

“Car volume however, is lower during the pandemic at 382,000 compared to before the outbreak’s 400,000,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Matatandaan unang sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme noong 2020 “until further notice” dahil sa “limited operations of public transportation in Metro Manila.” (Daris Jose)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 40) Story by Geraldine Monzon

    NAGSIMULA na ang welcome party para kay Bela. Kulang ang kanyang pagdiriwang kung hindi darating ang itinuring na niyang pangalawang ina. Subalit wala ito sa hanay ng mga naroon. Sa halip, ang natagpuan ng kanyang mga mata ay ang isang tao na hindi niya inaasahan na makakarating doon…nakatayo sa pintuan bakas ang pagkagulat sa mukha […]

  • DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao

    Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Qua­rantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.     Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o […]

  • Pinas, nangako na palalakasin ang pagbabakuna sa mga lalawigan laban sa COVID-19 surge

    LALABANAN ng gobyerno ang posibleng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng COVID-19 vaccination at pagbibigay ng  access sa  anti-COVID-19 medicines.     Ang pahayag na Ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary  Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung handa ba ang bansa sakali’t magkaroon ng […]