• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao

Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Qua­rantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o pamamanhid ng kalamnan, gayundin ang pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka, sa ilang kaso.

 

 

Unang ipinaalam ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang transmisyon ng naturang strain sa tao.

 

 

Ito ay makaraan na natukoy sa pitong manggagawa sa isang poultry farm sa southern Russia ngunit wala naman silang naranasang anumang seryosong epekto sa kanilang kalusugan.

 

 

Dahil dito, maigting na bi­nabantayan ng BOQ ang mga border ng bansa habang hinigpitan na rin ng DA ang surveillance sa mga manok na pumapasok sa bansa.

Other News
  • Castro sumapi sa 8K pts club

    NAGING pang-anim na aktibong player sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga na pumukolng 8,000 career points si Jayson Castro William ng Talk ‘N Text.   Ipinahayag nitong Martes ni professional league chief statis- tician Fidel Mangonon III, na ang […]

  • Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

    Schedule sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum) 5:30 pm – Awarding Ceremony 6 pm – AdMU vs UP     Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball […]

  • LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards

    MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards.       Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel.       “We have enough numbers of plastic […]