• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte pinasalamatan si PNoy sa naging serbisyo sa bayan

Kasabay nang pakikiramay, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III sa serbisyong na­gawa nito sa bansa.

 

 

“We thank the former president for his service to service to our country,” ani Duterte.

 

 

Ayon sa Pangulo, nalungkot siya noong malaman niya na pumanaw na ang dating presidente kahapon ng umaga.

 

 

Umaasa si Duterte na magiging inspirasyon ng mga Filipino ang legacy na iniwan ni Aquino.

 

 

“Be assured of the government’s assistance in this period of mourning and above all, please accept the love and the prayers of a grateful nation,” ani Duterte.

 

 

Inalok din ni Duterte ng tulong ang pamilya Aquino sa kanilang pagdadalamhati.

 

 

Nagpahatid naman ng kanilang hiwalay na mensahe ng pakikiramay ang dalawang sinundan niya sa Malakanyang – sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Arroyo.

 

 

Sinabi ni Arroyo, bukod sa mga nagawa ni Aquino para sa bansa at sambayanan, maaalala ito bilang bahagi ng pamilya na nag-ambag ng tatlong mahahalagang tao sa kasaysayan ng Pilipinas. Kasama sa tinukoy ni Arroyo sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.

 

 

“My family and I join the Filipino people in prayers and sympathy on the passing of former President Benigno Aquino III,” sabi pa ni Arroyo.

 

 

Sinabi naman ni Estrada na nalungkot siya sa pagpanaw ni Aquino at aniya ipinagdasal niya ito, maging ang mga naulila.

 

 

“My sincere condolences to the Aquino family. Sa pagkakataong ito, ang aking tanging dasal ay bigyan kayo ng Diyos ng lakas ng loob. Paalam, PNoy!” ang pahayag ni Estrada.

 

 

Nagpaabot din ng pakikidalamhati si Vice Pres. Leni Robredo habang sa tweet idinaan ni dating VP Jejomar Binay ang kanyang mensahe ng pakikiramay.

 

 

Aniya, may mga naging pagkakaiba man sila sa politika ng yumaong pa-ngulo hindi aniya mawawala ang ilang taon nang pagkakaibigan ng kanilang pamilya.

Other News
  • 59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR

    WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.     Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular […]

  • The Ringing of Horrors Of The Late 70s Comes Alive In “The Black Phone”

    THE ringing horrors of the late 70s come alive in the terrifying coming-of-age movie “The Black Phone” starring Ethan Hawke, Mason Thames and Madeleine McGraw.     Based on the award-winning short story by (legendary horror author) Stephen King’s son, Joe Hill from his New York Times bestseller 20th Century Ghosts, The Black Phone follows […]

  • Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Ang Dating Daan Bro. Eli Soriano

    NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at followers ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano na pumanaw sa edad na 73.   Si Bro. Eli ay isang isang mapagmahal na mangangaral ng “Ang Dating Daan” kung saan ang kanyang mga aral ay humahaplos sa buhay at nagsisilbing gabay ng marami.   “His […]