• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino

NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.

 

“The City Government of Davao is one with the nation in praying for the eternal repose of the soul of former President Benigno Aquino III,” aniya pa rin.

 

“The Philippine flag in the entire Davao City shall be flown at half-mast until his burial,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, napaulat na pumanaw na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, araw ng Huwebes, limang taon matapos na bumaba siya sa kanyang tanggapan.

 

Isang miyembro ng pamilya Aquino ang nagkumpirma nito at ilang malalapit na kaibigan at dating opisyal ng gabinete ni dating Pangulo Aquino, tulad nina dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna na minsang nagsilbi bilang legal counsel sa Aquino administration at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na nagsilbing peace negotiator ng dating Pangulo,

 

Si Aquino, 61 ay matagal nang nanaimik at wala sa “public eye” simula nang magtapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

 

Nang mamatay ang ina ni Noynoy na si dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.

 

Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM – ang Noynoy for President Movement –  at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.

 

Setyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.

 

Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.

 

Ang pagkapangulo ni Benigno S. Aquino III ay nagsimula sa tanghali noong Hunyo 30, 2010, Siya ay ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal-Arroyo. Simula ng kanyang pagkapangulo, kilala rin siya sa tawag na “PNoy” na pinaikling bersyon ng “Presidente Noy”

 

Si Benigno Aquino III ay ang:

 

Ikatlong pinakabatang inihalal na pangulo at ang ika-apat na bunsong presidente matapos nina Emilio Aguinaldo, Ramon Magsaysay at Ferdinand Marcos.

 

Unang binatang pangulo, walang opisyal na asawa at anak.

 

Ikalawang presidente sa kasaysayan na hindi uminom ng alkohol. Ang unang pangulo na hindi uminom ng alak ay si Emilio Aguinaldo

 

Kauna-unahang alumnus ng Ateneo de Manila University na naging presidente.

 

Ikalawang pangulo na naging isang anak ng isang dating presidente (Corazon Aquino).

 

Unang pangulo na naging dating mag-aaral ng isang dating presidente (Gloria Macapagal-Arroyo). (Daris Jose)

Other News
  • Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang Nat’l IDs, may ilan ang nakakuha ng 2 o higit pa

    HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards  na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang  nagrereklamo sa  printout ng  ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.     Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”,  74.2 milyong Filipino […]

  • SINING AT KULTURANG PILIPINO SA QUEZON CITY, BUHAY AT AKTIBO

    IDINAOS kamakailan sa lungsod Quezon ang isang tagisan ng galing sa balagtasan na may temang Diwang, Sagisag Kultura ng Filipinas sa pangunguna ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit. Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa […]

  • P29/K bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores

      NAGSIMULA nang magbenta ang gobyerno nitong Huwebes ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa ilang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).     “Ngayong araw ang simula ng Kadiwa center sa NIA, makabibili ng P29/kilo na bigas ang senior citizen, miyembro ng 4Ps,” pahayag ni NIA Administrator Eduardo Guillen.   […]