• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.

 

 

Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.

 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na ang 150,000 doses ay mapupunta sa gobyerno haban ang 99,600 ay ibibigay sa International Container Terminal Service Incorporated (ICTSI).

 

 

Pinangunahan kasi ni Enrique Razon Jr ng ICTSI ang tripartite deal na pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas at American company.

 

 

Mayroong 20 milyon Moderna doses ang inaasahang darating sa bansa sa 2021 kung saan pitong milyon dito ay binili ng private sector habang 13 milyon ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng multilateral loans.

 

 

Ang Moderna ay siyang pang-limang COVID-19 brand na dumating na sa bansa kasunod ng Sinovac, AstraZeneca, Sputnik. (Gene Adsuara)

Other News
  • Security guard na namatay sa Ateneo shooting, pararangalan ng PNP

    PARARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.     Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan.     Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano […]

  • “THIS STORY IS DIFFERENT BECAUSE IT’S REALLY GROUNDED IN REALITY,” SAYS DAKOTA JOHNSON OF “MADAME WEB” IN NEW FEATURETTE

    Some real talk with the cast of Madame Web. Watch the new featurette, “Grounded in Reality,” where the cast of Madame Web, led by Dakota Johnson as the titular character, talk about what makes their film different from other superhero movies.  Find out in this featurette: https://youtu.be/zyZDOPr7DyI “Madame Web is unlike any other Marvel movie,” […]

  • Hidilyn na-scam, natuto nang leksyon

    Sinong mag-aakalang na-scam na si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.     Sa isang press conference ay inamin ni Diaz na minsan na siyang nabiktima ng scammer matapos niyang makakuha ng cash incentives sa pagbuhat sa silver medal sa women’s weightlifting noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.     Umaasa ang […]