Kobe Paras lalaro sa Gilas
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro.
Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok sa bubble set up sa Inspire Sports Academy sa Calamba sa Nobyembre.
Makakasama ni Paras sa national team pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at magkapatid na Matt at Mike Nieto.
Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na clearance ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para payagan ang Gilas na magbalik sa ensayo para sa pagsabak sa No- vember window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
Pupunta ang Gilas sa susunod na buwan sa Bahrain upang sumagupa sa Group A kontra sa Korea, Thailand, at Indonesia para sa second window ng qualifiers.
Hawak ng Pilipinas ang 1-0 win-loss record sa pool matapos ang panalo kontra Indonesia sa Jakarta, 100-70 noong Pebrero.
-
Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año
ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge. Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]
-
Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.” Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan […]
-
Bise-Alkalde ng Maynila at 21 Konsehal, sinampahan ng kaso sa RTC hinggil sa “secret session”
NAHAHARAP sa kaso sa Regional Trial Court (RTC) ang nasa labimpitong konsehal na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila laban sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul” Servo-Nieto kasama ang nagsisilbing Majority at Minority floor leader gayundin ang iba pang mga kasapi nilang konsehal tungkol sa naganap na […]