• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.

 

 

Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level 3 noong Enero 3 matapos na sumirit ang Omicron variant cases.

 

 

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, magpapatuloy ang ginagawa nilang monitoring dahil inaasahan na nilang daragsa ang mga tao sa mga malls at iba pang public places habang tataas naman ang workforce.

 

 

“Ang pinaka-importante kasi dyan ‘yung cooperation ng lahat. Nakita naman natin nu’ng nag-Alert Level 3, hindi na tayo nag-Level 4. Sila na ‘yung nag-stop papunta ng mall, sila na mismo ‘yung tumigil sa mga ibang  activities. That’s a good sign that we have learned so much from this pandemic,” ayon sa Kalihim.

 

 

Kailangan din aniyang mapagtanto ng mga Filipino ang kahalagahan na magpabakuna, kilalanin ang sintomas ng Covid-19, at mag-isolate kung kinakailangan.

 

 

“Kahit na marami ‘yung numbers na na-infect, hindi overwhelmed ‘yung ating health care facilities. ‘Yung nagkakasakit sa bahay lang gagaling so ibig sabihin pwede tayong magbukas ng mga economic activity. Ang kailangan lang dito ‘yung individual responsibility na watch out for yourself. Kapag ikaw ay naging close contact, dapat self-isolate na. Look out for symptoms,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, inilagay din naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao sailalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 15, ayon kay , Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Maliban sa mga general guidelines, ang local government units ay maaaring magpatupad ng iba pang paghihigpit na “subject to evaluation.”

Other News
  • Travel advisory ng Canada sa PInas, hindi makaaapekto sa security landscape ng Pinas -Año

    HINDI makaaapekto sa tunay na security situation sa ground ng Pilipinas ang travel advisory ng Canada laban sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser at National Security Council (NSC) chair Eduardo Año na ang pag-assess sa security landscape ay isang “ongoing process”, winika nito na patuloy ang ginagawang pagsisikap na […]

  • CLIPPERS OPISYAL NANG KINUMPIRMA ANG PAGKUHA KAY LUE BILANG HEAD COACH

    OPISYAL na ring inanunsiyo ng Los Angeles Clippers ang pagkuha nila kay Tyronn Lue bilang bagong head coach ng koponan.   Una nang lumutang ang naturang isyu noon pang nakaraang linggo.   Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para ihara.   Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para iharap […]

  • 15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.     Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 […]