Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.
“Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi dahan dahan pang bumababa. At saka may variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant,” ayon kay Vega.
Kasalukuyang nasa general community quarantine with restriction’ ang Metro Manila kasama ang Bulacan. Ang pinakamababang istatus ay ang modified general community quarantine (MGCQ).
Kailangang hindi mahuli ng ‘off-guard’ ang pamahalaan sa kabila ng pagtiyak niya na hindi pa kumakalat sa ‘local setting’ ang naturang variant.
Patunay nito ang pagkakaroon na ng bansa ng 17 kaso ng Delta variant na karamihan ay mga manlalakbay at bagong dating sa Pilipinas.
Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na linggo, hindi pa naman umano masasabi na talagang wala na lalo na at nagkakaroon ng surge sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Sa unang ulat ng OCTA Research, kabilang ang mga siyudad ng Davao, Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro at Tacloban ang nakitaan ng malaking pagtaas sa mga kaso. Habang sa Metro Manila, bumaba ng 700 ang average na kaso kada araw mula Hunyo 15-21. (Daris Jose)
-
Pumunta sa Malaysia para sa isang football event: JUDY ANN, first time nag-biyahe na si LUCHO lang ang kasama
SA kauna-unahang pagkakataon ay bumiyahe abroad ang mag-inang Judy Ann Santos at unico hijo niyang si Lucho Agoncillo. Tumungo sa Kuala Lumpur sa Malaysia, unang beses ito na biyahe nina Judy Ann at Lucho na hindi kasama sina Ryan Agoncillo at ang dalawang anak nilang babae ni Ryan na sina Yohan at Luna. […]
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]
-
15% senior discount sa kuryente, tubig
LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento ng mga senior citizen na may bayarin sa tubig at kuryente. Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]