• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus

Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus.

 

Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.

 

Kasama ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.

 

Matatandaang noong 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 NBA players ang lumahok mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan pero ngayon pinangangambahang mababawasan ito dahil sa takot sa coronavirus pandemic.

 

Base sa statement ng Tokyo Olympics, target nilang maging simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa 2021 mula Hulyo 2020.

Other News
  • Imposibleng ‘one-on-one’ nangyari na sa ‘Korina Interviews’… KORINA, harap-harapang tinanong si KAREN kung bakit sila pinag-aaway

    FOR the first time, sa isang sit-down interview, makakasama ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila.   “Bakit, sa tingin mo, pinag-aaway nila tayo?”   Natulala nga ang broadcaster na si Karen dahil sa harap-harapan at hindi inaasahang tanong ng kapwa broadcaster na si Korina.   “Pero bago mo sagutin yan… break muna tayo,” sabi ni […]

  • Pagbabagong-bihis sa gabinete ni PBBM, nagbabadya matapos ang appointment ban

    NAGPAHIWATIG na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakaroon ng bagong-bihis ang kanyang gabinete sa oras na matapos na ang appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.     Nakatakda kasing magtapos ang appointment ban sa Mayo 9, 2023.     Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng […]

  • PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

    KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.   Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]